Chapter 20

760 12 7
                                    

Medyo tirik na ang araw ng magising kami ni Lyla. Tumulong pawis sa leeg ang nagpagising sa'ken at makirot na ulo. Fully charged na rin ang pantog ko at kelangan ng ilabas. Nakakahiya pang bumangon dahil nakatayo ang alaga ko, galit na galit. Nakayakap pa man din sa'ken si Lyla, medyo nakadiin pa ang suso sa balikat ko. Nakatulog ako agad sa alak at pagod kaya kinatamaran ko na ring magdamit.

Mag-aalas onse na rin pala ayon sa orasan ng cellphone ko. Umaalingasaw na rin ang nilulutong ulam galing sa baba. Ang bango, nagutom tuloy ako. May text message galing kay July, love quotes. Di ko na rin binasa. In fairness, mahaba-haba rin ang tulog ko. May sampung oras din.

Hinanap-hanap ko muna yung short ko, saka nagbihis at dumiretso ng banyo. Pero di lang pala pantog ko ang gusto guminhawa, pati pala bahay-tae ko. Tuluyan ko nang ibinaba ang shorts ko saka ako umupo at nag-deposito ng bulok na pagkain pagkatapos na pagkatapos dyuminggel. May 15 minutes din akong nagmuni-muni, naghilamos, nagmumog at bumalik ulit ng kwarto. Nag-iba na ng posisyon si Lyla, nakatalikod na sa'ken. Balot pa ng kumot ang katawan, pero aninag ang kalahati ng likod. Makinis at maputing likod.

Kumuha ako ng boxer brief sa cabinet saka bumalik ng banyo para mag-brief. Bumalik sa kwarto, inayos-ayos ang mga nakakalat na gamit. Dinampot ang mga damit ni Lyla, saka marahang pinatong malapit sa unan niya. Di ko na muna gigisingin. Baka gusto pang mag-extend ng tulog.

Makababa muna nga.

"Tanghali na..." bati ni ermats pagkakita sa'ken. Kunot ang noo habang nakatitig sa cellphone. Si tiyang ang nagluluto, adobong manok. Dumiretso ako ng ref, naglabas ng gallon, kumuha ng baso, nagsalin ng tubig at dire-direstong ininom ang tubig. Nabuhayan na ang dugo ko, nahimasmasan na rin ang sikmura ko. Naglabasan ang malagkit na pawis. Nakaramdam na ko ng gutom.

"Anong oras ka nakauwi?" si ermats ulit, pero di nakatingin sa'ken.

"Alas dose na ata..." nagsalin ulit ako ng tubig sa baso bago ibinalik ang gallon sa ref. "Walang almusal?"

"Ubos na yung sangag, inulam lang namin yung ulam kagabi. Antayin mo na lang yung ulam at maluluto na rin yan..."

"Malapit na to, luto na rin naman yung sinaing." Dagdag ni tiyang.

Yun lang. Sabagay, nakahilata pa si Lyla.

Problema 'to---pano ko sasabihing may babae sa kwarto ko?

Eto na nga ba sinasabi ko e. 'Tang ina, ang libog din kasi. Ngayon, nangangamote ako kung ano idadahilan ko.

Sabihin mo gf mo! Naalala kong sinabi ni Lyla sa'ken kagabi. Oo, puwede sana yun, ang kaso e sinong sira-ulo ang maniniwala sa ganung reason? Pano ko ipapaliwanag ang instant gf? Buti sana kung si Tunyang kasama ko, medyo makakalusot ako nun. Ang kaso, si Lyla, na never pang na-meet ni ermats ang bubulaga sa kanila maya-maya.

Tunyang na naman. Tsk tsk tsk. Di kayo bati, kaya wag mo siya isama sa problema mo.

Ang sama naman ng ugali ko kung itago ko sa kanila si Lyla. Magni-ninja moves na naman kami. Pero imposible yun dahil gusto rin ata ni Lyla makilala siya ni ermats.

At bakit nga naman? Ano naman kayang trip niya?

Malay mo seryoso siya sa sinabi niyang 'gf' mo siya, kuno.

E pano kung hindi? Pano kung dahil nag-iinit lang siya kagabi at nakainom?

Problema mo na yun.

Ang Babae sa Kabilang UpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon