Chapter 7

817 19 2
                                    

"So hindi ka pala sasama sa team building?" si Ma'am Glenda habang nakayuko na nakatitig sa cellphone. Ni-remind ko yung leave ko para naman 'di na magtaka kung bakit missing in action ako bukas. Lagi kasi siyang wala sa puwesto niya kaya sinamantala ko na habang naliligaw siya sa area namin.

"Yes ma'am. Nataon po kasi sa reunion namin..."

"Baka naman mapasarap ka sa reunion n'yo at pati sa Monday absent ka?" 'Di ko alam kung pabiro o sarcastic.

"Di naman po. Overnight lang naman yung outing so after lunch ng Linggo uwian na. Madaling-araw or umaga ng Monday babiyahe na ko pabalik kaya before or after lunch andito na ko sa Manila..."

'Di siya agad nakapag-react. Busy ang mata at kamay sa cellphone. 'Di ko tuloy alam kung na-gets niya paliwanag ko. Standby mode ako habang nag-aantay sa reaction niya. Palinga-linga sa floor. Maingay ang lahat. Hindi mapakali. Walang ibang topic kun'di team building. Ramdam ang excitement ng ilan, pero meron din namang mga tahimik at walang pakelam gaya ko. Si Tunyang naman, patingin-tingin at pangisi-ngisi.

"I'm sorry, what was that again? Sensya na may sinagot lang akong text." sabi na e. Nakaka-amnesia talaga minsan ang teknolohiya. Ipinaliwanag ko ulit sa kanya yung sitwasyon ko ng mas mabagal at paminsan-minsang hina-highlights ang mga salitang dapat medyo sincere at seryoso. Totoo naman ang sinasabi ko kaya kahit ulit-ulitin ko ang paliwanag ko e hindi ako sasabit.

"Asan yung leave form?"

"Binigay ko na po kay Kimmy last week pa..."

"Well, wala akong natatanggap..."

'Nak ng putsa naman o! Lakas tama ang puta! Pinagti-trip-an lang ata ako neto e? Kakasabi lang sa'ken ni Kimmy na naibigay na raw niya nung Lunes pa. Delaying tactics!

Medyo inis na lumapit ako kay Kimmy saka tinanong tungkol sa form ko. Nangiti ito, saka sinabing pirmado na yung form. Sabi na e, power tripping na naman ang visor.

"Ma'am, okey na daw po e. Napirmahan n'yo na daw..."

"Napirmahan ko na ba?" maang-maangan acting. Medyo OA pero okey lang. Atlis medyo okey ang mood niya ngayon. Dati-rati pag nagagawi siya sa area namin e kun'di mainit ang ulo e pinagagalitan si Kimmy. Pagbigyan na lang sa ngalan ng reunion.

"Yes ma'am, yung pinasa ko po sa inyo nung Monday..." lumapit na sa puwesto namin si Kimmy na nakakaloko din yung ngiti.

"Oh...I see. 'Yun pala 'yun." Kinalikot ulit nito ang cellphone saka dahan-dahang lumakad paalis. Nagkatinginan lang kami ni Kimmy.

"Himala good mood ang lola mo ngayon." Sabi ni Kimmy.

"Naka-drugs ata..."

"Loko ka. Buti nga good mood e."

"Excited lang sa team building yan..."

Nangiti siya. "Baka nga. Uy, tapos mo na ba yung in-e-mail ko sa'yo kanina?"

"On going pa lang. Nag-restart ako ng PC e. Nagloloko ulit e-mail ko, 'di makapag-send."

'Di na siya sumagot. Bumalik na siya sa puwesto niya.

Sabog ata visor mo e. PM ni Tunyang sa'ken pagkaupo ko.

Baka nga. Malay mo maganda yung gamit.

Lol. Hehe.

Ang Babae sa Kabilang UpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon