Part 13

376 12 9
                                    

Hello! 

Mobile lang uli gamit ko kaya maraming magiging typos. Pasensya na po ah. Hindi ko rin alam kung magiging mahaba kasi nga mobile user lang ako.

So, hope you'll still like it. 

---

CHLOE'S POV

paggising ko, mukha na naman niya ang nakita ko. Hay... Sabihin mo lang sa akin na mahal na mahal na mahal mo ako, hindi kita sasaktan. At hindi ko ipipilit na pati sarili ko ay masaktan din. TANGA KO LANG KASI TALAGA, DIBA?

Sandali akong naupo at tinignan ang mukha niya. Hinaplos ang buong mukha niya at nagbigay ng munting halik sa labi niya. "Daisuki." bulong ko sa mas pinahina pang tono na ako lang ang makakarinig.

Bumangon na ako. Pumunta sa cr at naghilamos. Tinitigan ko yung itsura ko. Tss, may eyebags na ako. Bakit? Hindi naman ako nagpupuyat ah.

Tinignan ko yung labi ko. Ang sakit talaga nung labi ko. Sht lang. Masakit pa rin. Tsk. Masyado kasi niyang kinuskos kahapon eh.

Nag-toothbrush na ako at saka nagmumog. Nag-ayos na rin ng sarili. Mamaya na ako maliligo. Wala akong balak pumasok sa school.

Lumabas na ako ng cr. Tulog pa rin siya. Tinitigan ko siya. Ang amo ng mukha niya oh. Konsensya ko na lang talaga kapag niloko ko pa rin siya. Isang sign lang naman ang hinihingi ko, di ba? Pero bakit ang hirap-hirap mangyari? Nasasaktan ako. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko.

Pinunasan ko ito at ngumiti ng pilit. Magising na nga siya. May klase pa siya eh. Tumalon ako sa higaan at saka siya niyugyog.

"Sirrrrrr!!!! Gising na!" tapos inupuan ko pa siya sa tiyan niya. Pero ayaw talaga gumising.

"SIR!! MAY KLASE KA PA! AYAW MO NAMAN SIGURO MAKALTASAN ANG SWELDO, DI BA?!" Sigaw na napakalakas pero tumagilid lang siya kaya napabalikwas ako at... *BLAG* nalaglag sa kama. Una ulo. Ang sakit.

Nahulog na ako pero nakapikit pa rin siya. Hinawakan ko lang yung noo ko at saka tumayo. "Bahala ka dyan." tapos padabog akong lumabas ng kwarto naming dalawa.

Bumaba ako ng hagdan at pumuntang dining room. "Good morning." bata nila sa akin.

"Good morning din." sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Bakit wala si Hustine?" tanong ni Tita. Tinignan ko naman siya. May naramdaman ako mainit sa kamay ko. "WHAT HAPPENED?!" nabigla ako sa sigaw niya.

"Anak? Anong nangyari?" tanong sa akin ni mama. At lumapit pa silang dalawa. Naguguluhan naman ako. Tinignan ko yung kamay ko. May dugo. Puro dugo.

Nahilo ako sa nakikita kong dugo. Ang sakit sa mata. At sa ulo. "Ahh. Nahihilo ako." tapos hinawakan ko uli yung noo ko. Tumutulo na yung dugo sa may mata ko.

"MANONG! PAKIHANDA NAMAN YUNG KOTSE! PUPUNTA TAYONG HOSPITAL!" sigaw ni Tita at inalalayan ako sa paglalakad.

Hindi ako iiyak. Oo, masakit pero ayaw ko ring umiyak. I'm not weak.

HUSTINE'S POV

Kanina kinukulit ako ni Chloe pero tumigil din naman matapos nung lagabog. Tsk. Nagdabog na naman yun. Inaantok pa ako kaya ayaw ko pang bumangon. Kahit naman kaltasan nila ang sahod ko dahil sa pagliban ko, okay lang. I have a lot of money.

Dinilat ko na ang mata ko. Tumingin ako sa side table, 10:43am na. Bumangon ako at nagsimulang mag-inat. Tumayo na ako at tumungo sa banyo. Maliligo na ako.

*

Natapos akong maligo at pinapatuyo na lang ang buhok ko gamit ang twalya. Bakit kaya hindi pa rin bumabalik si Chloe? Napasok kaya yun? Parang imposible -.-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Geek [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon