Part 9

624 18 7
                                    

Hope you like it! ~.^

~~~~~~~~~~~~~~~*

Chloe/ Loeuis's POV

Hay buhay! Inaantok pa ako. Hanggang ngayon nakahiga pa rin ako sa higaan namin ni Sir Geek. Nandito pala kami ngayon sa Appartment niya. Since Sunday naman ngayon at bukas pa ang pasukan ulit, edi mamaya pa kami babalik sa bahay. Siya lang naman ang papasok eh, ako naman pwede ng umabsent whether I want to.

"Chloe, wake up." may narinig akong boses. For sure si Geek yun kasi siya lang naman ang kasama ko dito sa apartment niya eh.

"Antok pa ako." sabi ko ng nakapikit pa rin ang mata.

"Breakfast muna tayo." yaya niya pa sa akin.

"Ayaw ko pa nga." tapos nagtalukbong ako ng kumot para matakpan ang mukha ko.

"Please?" malambing na boses ang narinig kong galing sa kanya.

"Geek, antok pa ako." sabi ko sabay tanggal ng pagkakatalukbong at tinignan siya.

"Ayaw mo? Sige ka, wala kang kasabay kumain mamaya plus lalamig ang pagkain." pananakot niya sa akin.

"Geek, ikaw rin walang kasabay kumain at kapag kinulit mo pa ako, kakain ka rin ng malamig na pagkain." pambabarag ko sa kanya.

"Please Chloe Loeuis. I'm begging you." tapos nagpaawa pa siya at nag-pout.

Naupos ako saka siya tinignan ng deretso, pinisil ko yung magkabilang pisngi niya at nagsalita, "Alam mo Geek, ang kulit talaga ng lelang mo eh noh!" sabi ko at lalo pang pinanggigilan yung pisngi niya.

"ARAY KO PO!" hiyaw niya sa sakit at tinanggal yung kamay ko.

"Hahahahah, ang cute mo!!! Ang pula-pula na ng cheeks mo oh." sabi ko sa kanya at ang lapag ng ngiti ko kasi ang cute niya talaga. Tapos suot-suot niya pa yung contact lens.

"Cute nga, masakit naman yung cheeks ko." reklamo niya at hinaplos-haplos yung magkabilang pisngi niya.

"Gusto mo ng KISSpirin para gumaling yan?" tanong ko sa kanya na may evil grin. Hahahah.

"Ehh, baka kagatin mo pa." pagtanggi niya.

"AH GANUN AH!!!" hinila ko yung ulo niya at nagbigay na maraming halik sa magkabilang pisngi niya. "Ano? Kinagat ko ba? Hindi naman ah!" sabi ko.

Hindi siya nagsasalita, nakatulala lang. At mapula pa rin yung pisngi, hindi lang yun. BUONG MUKHA AT TENGA. Wait! Ano bang pinaggagagawa ko? x|

"Alis nga dyan, kakain na ako. Gutom na ata ako." tapos tinabig ko siya para makadaan ako. Akmang aalis na ako sa kwarto nang hilahin niya ako para mapalapit sa kanya.

"ANG BRU--- o_______O" hindi ko inaasahan 'to pero talagang hinahalikan niya ako. Passionate at gentle. Hindi ko maipikit yung mata ko >.< Bigla siyang huminto,

"It's rude to look while kissing." sabi niya at ipinikit ang mata ko at sinimulan ulit ang paghalik sa labi ko. Geek! Why are you a good kisser? 

He stopped at tumingin ng diretso sa mata ko. Ngumiti ako at nasalita, "Ito ba yung breakfast na inihanda mo na lalamis? Kaya pala ayaw mo ng mag-isa kasi hindi naman pwedeng hahalik ka ng walang kahalikan."

"Aishh... Ewan ko sa'yo. Nasa baba yung pagkain, kumain na TAYO!" tapos nauna na siyang lumabas ng kwarto. Napangiti naman ako. HIndi ko alam pero talagang ang saya ko sa ginawa niya. Hahahah. WHATEVER! Masaya ako today.

---

Hindi ako pinapansin ni Sir Geek. Anong problema nitong unggoy na pogi na 'to? Nandito kasi kami sa sala ng apartment niya at nanonood lang kami ng TV.

*krrriiinnng krriiinnng*

"Hello?" sagot ko.

[Hi! Kamusta ka?]

"Hmm, okay lang naman. Sino po sila?" ang galang ko ata?

[Ahh, si Jaucian 'to.] napatingin naman ako kay Sir Hustine na nakatingin din naman pala sa akin.

"Oh, paano mo nalaman yung number ko?" tanong ko.

[Ah, para-paraan lang. Hahahh]

"Sus. Buti at napatawag ka."

[Hinihintay mo ba yung tawag ko?]

"Ha? Hindi naman. Wala kasi akong kausap dito eh." sabi ko at tinignan ng masama si Geek. Ang sama rin naman ng tingin niya sa akin. Kaya wala akong paki :P

[Eh yung Fiance mo?]

"Sinong Fiance?" tingin kay Geek. "MAGKAGALIT KAMI." syempre joke only!

[Ah ganun ba? Gusto mo meet tayo mamaya?]

"Sige ba, saan ba magkikita?" tanong ko.

[Sa dati kung saan tayo unang nagkita. Sa jollibee.]

"Ah sige. Pupunta na ako." sabi ko at tumayo na. Lalakad na sana ako ng bigla akong hilahin ni Geek paupo sa tabi niya at inagaw yung cellphone. "HINDI SIYA MAKAKAPUNTA! MAGHA-HONEYMOON PA KAMI!"

*toot toot toot*

"Bakit mo ginawa yun? Anong honeymoon? Mag-honeymoon ka mag-isa mo." sabi ko sa kanya at lumayo ng kaunti.

"Di ba sabi mo galit tayo. Oh ayan, galit na ako!" sigaw niya.

"At bakit?" nakangiti pa rin ako at para bang nang-aasar.

"Sino yung kausap mo?" tanong niya.

"Ah, si Jaucian." sagot ko at ngumiti.

"Sino yun?" tanong ulit niya.

"Yung lalaking tumulong sa akin na magbuhat nung mga pinamili ko." sabi ko at nakangiti pa rin habang siya galit na rito.

"Di ba ako ang FIANCE MO. Eh bakit ka pa makikipag kita doon!!!???!?!" sigaw niya sa akin. Aray ah! Nakakabingi. Pero ako? Ngiti pa rin. Hahahah.

"Hahahah, selos siya oh. Ito gamot, YAKAPsul." tapos niyakap ko siya.

"Wag kang ganyan, galit ako." sabi niya pero niyakap din naman ako.

"Weehh? Hahahahah. Sir Geek, tanong ko lang. Mahal mo ba ako?" o_______O Anong tinanong ko? SHHHEEETTTTEEEE!!!!!

"Ha?" tanong niya.

Kumalas namana ko sa yakap, "Naguguluhan lang kasi ako eh, pumapayag kang halik-halikan kita tapos yakap. Tapos nagseselos ka. Mahal mo nga ba talaga ako? O dahil fiance lang talaga kita? O baka naman needs mo lang 'to? Ay hindi, siguro kasi gumanda na ako."

"A-ano..." hindi niya masagot yung tanong ko. Okay na sa akin. Itutuloy ko yung revenge kong saktan siya.

"Ay mali! Teka, maliligo na ako. Para mamaya aalis na lang tayo. Geh, aayusin ko na muna yung sarili ko." somehow, may sumakit na part ng puso ko. Umakyat na ako ng hagdan.

Pumasok ako sa kwarto namin at nag-lock. Bakit nasasaktan ako? Mahal ko pa rin ba siya? Di ba revenge lang naman lahat 'to? Ayaw ko naman sa kanya di ba? Pero bakit nasasaktan ako? Bakit?

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mata ko. Maghihiganti na nga lang ako masasaktan pa ulit ako. *sigh*

Hustine's POV

"Ay mali! Teka, maliligo na ako. Para mamaya aalis na lang tayo. Geh, aayusin ko na muna yung sarili ko." Gusto ko sana siyang pigilan pero wala akong magawa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakaakyat na siya at nakapasok na sa kwarto namin.

"Oo, mahal kita. Ako ba, mahal mo?" Hay buhay! Makapag-ayos na nga lang din.

~~~~~~~~~~~~~~*

Maigsi lang noh? Next time bawi ako. Takas lang eh. Pagpasensyahan ang mga typos, errors at chuchu.

That Geek [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon