PROLOGUE- - -Part Two~~

418 12 2
                                    

              HINDI SIYA makahanap ng solusyon kung paano makapanik sa itaas.  Sigaw siya nang sigaw ng tulong pero walang sumasagot.  Hanggang sa biglang dumungaw sa kanya ang isang napakaamong mukha ng lalaki.  Nagsimula itong magsalita, “Bakit ka nandiyan?..naliligo ka ‘no?”

             Unti-unting napapansin ni Janelle na iyong lalaking iyon ay siya ring ninakawan niya ng pagkain kanina.  “Ikaw?(nagulat)….ako?..naliligo? Kita mo nang nahihirapan na nga ako dito! ..iangat mo nga ako!”..Tinanggihan siya ‘nung lalaki.  Tila may namumuong ngiti sa mga labi nito. 

             Bigla na lamang nawala sa paningin niya ‘yung lalaki.  Tinawag niya ito ngunit parang kumakausap lang siya sa hangin.  Wala na siyang pag-asa.  Pero ilang saglit pa, tila parang may napapansin siya.  Kumbaga sa Moon, tila nagiging “gibbous” nalang ang liwanag. 

           Naghinala na siya.  Bigla na lang sumagi sa paningin niya ang pagdungaw ‘nung lalaki.  Nakatingin ito sa kanya na may sabay ngisi. 

           Biglang natakot si Janelle na baka tuluyan nang takpan iyon ‘nung lalaki.  Ngunit, binawi niya ito at inabot ang kanyang kanang kamay para makapanik si Janelle.  Nailigtas si Janelle mula sa kapahamakan. 

            Ang tanging gagawin na lamang niya ay ang maligo. 

             SIMULA nang mangyari iyon, tila iba na ang turing ni Janelle sa lalaki.  Naging magkaibigan sila.  Ang pangalan daw ‘nung lalaki ay Jacob.  Nakatakas daw ito mula sa Boys Town at napadpad na lamang siya rito. 

             Isang araw palang silang magkaibigan ngunit tila “magkapatid” na kung sila’y magturingan.  Ngunit, parang may ibang nararamdaman si Janelle.  Inaamin nga niya na masyado  pa siyang bata para madama iyon. 

            Hindi niya maintindihan.  Sa oras kasi na makita niya ang pagmumukha ni Jacob, nag-iiba ang daloy ng dugo niya.  Kasi ba naman, kahit “pulubi” lang si Jacob, masasabi talagang “attractive” pa rin ito. 

          Kahit marami itong dumi sa mukha, o grasa pa, hindi pa rin maaalis ang pagkakaamo ng pagmumukha nito at ka-Charming-an.  Kaya sa tuwing kakausapin siya nito  o kahit na malayo palang, kinakabahan na siya.  Minsan nga’y natutulala.

            Sa pagtitinda lamang ng basahan at kung anu- ano pa ang nagsisilbing pantustos ni Janelle sa mga pangangailangan niya.  Habang si Jacob, pagkakargador sa palengke. 

           Sa pagiging magkakaibigan nila at dahil wala rin silang kasama sa pang-araw-araw na pamumuhay nila, nagdesisyon silang gumawa ng barong-barong sa ilalim ng tulay.  Paghahatian nila iyon.  Si Jacob ang nagboluntaryo na gumawa nito. 

            NAGLALAKAD si Janelle patungong simbahan nang biglang may humarang na tatlong matatangkad na lalaki sa harapan niya.  Kinutuban na siya.  Naghanap siya ng tyempo para makatakbo.  Ngunit, huli na ang lahat.  Bigla siyang sinunggaban ‘nung isang lalaki.  “May takot ba kayo sa Diyos?”. 

           Sa eksenang iyon, may biglang sumagi sa isipan niya, alaala noon na naging dahilan kung bakit siya nandito.  Pinatay ng mga rebelde ang mga lolo't-lola niya.

            Ilang saglit pa’y tila may humawak nang mahigpit sa braso ‘nung matangakad na lalaki na sumunggab sa kanya.  Uminit ang ulo nito.  Paglingon ni Janelle, gulat na gulat siya sa kanyang nakita. 

            Nakita niya si Jacob.  Biglang sinuntok ni Jacob ang lalaking sumunggab kay Janelle.  Kinabahan si Janelle na baka mabugbog si Jacob ng mga lalaki.  Pero, laking tuwa niya nang matalo ‘yung isa! 

            Ngunit, binugbog naman ito ng dalawa.  Awang-awa na siya kay Jacob.  May nakita itong pasa sa ulo nito. 

           Panahon na para siya naman ang umaksyon.  Tumawag siya ng Pulis.  Nang marinig iyon ng dalawa, bigla na lamang silang tumakbo.  Nakita niya si Jacob na hindi nagpahalatang nasaktan sa bugbugan.  “Jacob?....okey ka lang ba?(nagtanong pa siya)”..

         “Bakit naman hindi? Mukha na ba’kong bulldog?”.

         Hindi siya masaya para dito.  Ilang saglit pa’y humingi siya ng tawad.  Ngunit tinanggihan siya nito.  “Bakit humihingi ka ng TAWAD?...mukha ba akong tindera ng gulay?”…

          Nakakairita 'tong kutonglups na 'to ah.  ‘Di nito napigilang batukan si Jacob.  Kaya lang, napansin niyang parang nasaktan ito sa pagkakabatok niya.  Nakalimutan niyang nabugbog nga pala ang likod nito kanina.

WHO'S that GUY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon