Chapter 1~ ~ ~ ~ ~ ~WHO'S that GUY?

153 4 0
                                    

 pls. support po! :)

                                                        ~+CHAPTER ONE+~

KAKATANGGAP lang ni Janelle sa reply ng Gomez Law Office at kabadong-kabado talaga kung tanggap ba siya o hindi.  Dahil sa napagtapos niyang accountancy at nakapasa pa sa board exam, medyo may lamang siya sa ibang aplikante.  Pero hindi niya maintindihan kung bakit kabado siyang mabasa iyon. 

Bubuksan ko ba, o hindi?  I need the help of my sweetie pie. 

"Hello?  Sweetie Pie?  Busy ka ba?"

"Oh, Honey Pie!   Oh Bakit?"

"Busy ka?"

"Auhmm...  not bad."

"Heh.  Sige Sweetie Pie, sa susunod nalang.  'Pag 'di ka na busy."

"Hindi nga sabi eh." narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.  Mga ilang segundo,"Sa Bizu Patisserie, sa Greenbelt ngayon na.  Huwag kang male-late."

"Ah!  Ha?  Anong sabi mo?" ang hirap yatang ispelengin 'yun sinabi ah.

"Bizu Patisserie.  Basta, ayokong may problemang hindi nasosolusyonan ang mahal ko.  Sige na!  Ang mahuli, syang magbabayad."

"Huy!  Wala namang ganyanan!  Wait!"

"- - - - -" binaba na nito ang telepono.

"Oh my God!  Ayokong makagastos ng malaki!"  buti na lang at naalala niya na malakas talagang kumain ng mga desserts si Jacob.  Pero, minsan lang.  Oras na makakita ito ng dessert, dirediretso na. 

Kaya kung magpapahuli siya, lagot na.  Inaalala lang naman niya ang nanay niya.

"AH MA'AM, kayo po ba si Miss Janelle?" nagulat siya nang may biglang humarang mula sa dinaraanan niya.  Mukhang waiter ito ng nasabing restaurant. 

"Opo, bakit po kuya?"

"Ahh.. this way nalang po Ma'am." nauna na ito sa paglalakad para ihatid siya sa kanyang table.  Kinakabahan siya.  Nauna na nga ang Sweetie Pie niya sa usapan nila.  Ilan kaya ang mauubos nitong mga dosenang desserts?

"Janelle!"  lumapit sa kanya ang isang naka-amerikanang damit.  Pero nang tinitigan niya ang napaka-among mukha nito, ang Sweetie Pie lang pala niya iyon. 

Vice President na pala ngayon si Jacob Ryan Alcaraz Rivero ng isang kilalang companya sa bansa na ang RIVERO Publishings.  Magaling na writer si Jacob at kilalang-kilala na talaga ng buong mundo. 

"Jacob?  Uyyy!"  ito na ang lumapit sa kanya para yakapin siya nito.  Napakahigpit ng pagyayakapan nila.

"Janelle,  na-miss kita..."

Binitiw niya ang pakakayakap dito, "Anong na-miss?  Eh kaninang umaga 'di ba nagkita pa nga tayo sa bahay, tapos hinatid mo pa ako sa kanila Wirdz?"

"Tumigil ka nga diyan.  Ang ingay mo.  Maraming nakaaligid na mga journalists dito.  Pero hindi ako papayag na makita ka sa TV Honey Pie.  Never!"  hinalikan siya nito sa pisngi.  "Umupo nga muna tayo.  Excited na akong kumain." inalalayan siya nitong makaupo.

"Lagot."

"Ha?"

"Ah wala.  Kanina ka pa ba rito?"

"Ah.  Oo.  Ang tagal mo kaya.  Hmm...Teka, 'di ba may usapan tayo?"

"Ang alin?  Ah! 'yung pupunta tayo sa birthday ng pamankin mo?"

"Hindi!" ngumiti ito.  "Ikaw talaga Honey Pie, nagpapalusot ka na naman."

"At bakit naman?  Anong nilulusutan ko?"

"'Yung usapan natin.  'Yung usapan natin na kung sino ang mahuli, 'yun ang manlilibre.  Hmm..."

Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Jacob.

 "Please... maawa ka Sweetie Pie.  Kunin mo na ang lahat sa akin, 'wag lang ang pera ko para panggastos dito."

"Alam mo may kanta 'yan eh.  Sige, kantahin mo.  Saka kita pagbibigyan."

"Ha?"

"Oo.  Bakit?  May angal?"

Kinabahan siya dun ah.  Pero kakanta ba talaga siya?  Wala talagang awa itong Sweetie Pie niya.  Pero tumayo siya nang matuwid.  Binuka ang bibig at----

"Hep!  Hep!...Joke lang 'yun ano ka ba."  ngumiti ito.  "Nagugutom na ako.  Kumain na tayo.  Baka kasi mawalan ako ng gana pagkatapos."

"Aba'y!  Ang------" tinakpan nito ang bibig niya.

"Enough."  lumingon na ito sa may waiter.  "Waiter!"

"Sir..." iniabot nito ang menu kay Jacob.  Pumili na ito ng gusto nito pero hindi man lang siya pinatingin.  Dumukot na ito agad sa pitaka ng cheke saka iniabot sa waiter.

"Jacob?"

"Ikaw ang buhay ko.  Ayokong magutom ka kaya sagot ko nalang." ngumiti ito sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHO'S that GUY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon