Prologue~~FLASHBACK

1.3K 15 2
                                    

 pls. support po! :)  -story  na ginawa ko para sa isang activity sa skul.

                                                      ~+PROLOGUE+~

        

           Gabi nang naglalakad si Janelle sa isang lugar kung saan masasabi mo talagang “Pilipinas nga ang lugar na ito”.  Habang naglalakad, mapapansin na siya ay nalilibutan nang napakagulo, masangsang, at maingay na parte ng Pilipinas.

            Lakad siya nang lakad pero hindi niya malaman kung saan siya papunta.  Ang tanging iniisip niya lamang ay pagkain.  Dahil sa kapaguran sa paglalakad o paghahanap ng pagkain, bigla na lang siyang natumba, napaupo sa isang sulok.  Wala na siya sa sarili niya.  Ang lanta na ng buong katawan niya sa sobrang gutom.  Hanggang sa umabot sa punto na nakatulog siya at napahiga.  Naging mahimbing ang tulog niya.

            Isang napakalakas na busina ng dyip ang gumising sa kanya.  Tila napakainit ng pakiramdam niya nang masabi niya sa sarili niyang gising na nga siya.  Pagdilat na pagdilat ng mga mata niya, isang lalaking nakatalikod mula sa malayo ang nakita niya, at pagharap nito, mapapansin na may hawak-hawak itong isang bagay. 

           Nilapitan niya ito sa pagbabakasakaling ang hawak ‘nung lalaki ay ang bagay na pinakahihintay niya.  Habang papalapit na siya sa lalaki, napansin niyang malapit na nitong kainin iyon.

            “Huy!!!...sandali!!...”, sigaw niya sa lalaki sa takot na baka makain na nga ito.  Napatitig na lamang ang lalaki.  Bago magsalita ulit si Janelle, tila pinansin muna niya ang buong 'aura' ‘nung lalaki.  Napansin niyang mahitsura ito ngunit, sa kasamaang palad, amoy patay at mukhang ilang araw nang hindi naliligo.

            “Pulubi!!!....alam mo bang teritoryo ko ito? Kaya bawat makita kong kumakain, kinukuha ko ang kinakain?”

            “Pakilabas nga ‘yung titulo.” utos ‘nung lalaki.

            “At bakit?....sino ka ba?(kinabahan) …pulubi ka lang naman eh..”

            “Ikaw, sino ka?....hindi nararapat ang mga hampaslupang kagaya mo dito…” pagiinsulto ng lalaki.

            Ilang saglit pa, tila hindi na makatiis ang lalaki na kainin ang dinadala nito.  Ngunit, pinigilan ito ni Janelle.  Inagaw nito ang pagkain.  Sumigaw ang lalaki,” Huy!!....akin ‘yan!...gusto mo makatikim ng suntok?” kinuha nito ang pagkain. 

            Nakiusap si Janelle, “Sige na!....maawa ka sa akin, gutom na gutom na ako,…gusto mo ba akong mamatay?”….

          Ngunit sumagot ito, ”Paki ko sa’yo.” 

           Nang marinig iyon, hindi na nagdalawang isip pa si Janelle na nakawin sa lalaki ‘yung pagkain.  Agad na tumakbo ito patungo sa isang lugar kung saan hindi siya makikita ‘nung lalaki. 

          “Masyado siyang mabilis tumakbo!....kainis!”..nanghihina na ang mga tuhod ni Janelle pero hindi naging hadlang iyon para malayuan niya ‘yung lalaki.  Sa segundong iyon, mapapansin na pinaiiral na naman niya ang kanyang katangahan.  Kasi, imbes na habang tumatakbo siya ay pwede na niyang kainin iyon, hindi pa rin niya kinain. 

            Hanggang sa hindi niya namalayang nahulog nap ala siya pababa, sa manhole.  Pagmulat ng mga mata niya, nagulat siya sa sarili niya.  Ang dumi-dumi niya!  At dahil nahulog siya sa isang masangsang o mabahong lugar, mag-aakala ka pa bang “mabango siya”?

WHO'S that GUY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon