Chapter 10: Our First

30 0 0
                                    

Rina's POV

"Aarrrgghh!!" I screamed out of frustration.

bakit ba ako tensionado? kanina pa ako problemado sa magiging hitsura ko mamaya. Curly o straight? Ponytail o lugay? Pants o short? Short sleeves o long sleeves? Heels or doll shoes? Di siguro ako magiging ganito kung nan dito si Tiffany. Aminado ako sa aming dalawa siya talaga ang may sense of fashion. I chose to curl my hair, damit na lang problema ko. Sumilip ako saglit sa orasan kung anong oras na, lalo ako natatanta ng makitang past 3:30 pm na. Dapat makapag decide na ako. Then finally I saw the perfect outfit.

10 mins. before 4:00 pm tumawag si Kurt. Agad ko sinagot ang call.

"Hi Rina, nan dito na ako sa labas ng gate niyo. Are you ready?" tanong niya

"Yeah, sige palabas na ako." masaya kong sagot

"Ok. Nan dito lang ako sa labas." after that binaba ko na.

Kinakabahan ako, ano kaya mangyayari?

---------------------------------------------

Kurt's POV

Kanina ko pa tinitignan sa side mirror ng sasakyan ko yung hitsura ko. Kinakabahan ako. Sana huwag pumalpak yung mga plano ko. Maya maya pa bumukas na yung gate nila, my jaw dropped to see Rina. She was wearing a white short sleeved lacey dress with white heels. She looked like an angel. Natulala talaga ako, di ko tuloy napansin na kinakausap niya na pala ako.

"Kurt?" tanong niya "Uy Kurt, ok ka lang ba?"

Then I came back to my senses.

"Ah oo, sorry." natatawa kong sinabi sakanya habang kumakamot ako sa ulo.

"Tara na?" pagyayaya niya. Binuksan ko yung pinto malapit sa driver's seat at inalalayan siyang pumasok. Pag katapos pumasok na ako sa sasakyan. Tinulungan ko siya isuot ang seat belt niya at nginitian ako pag katapos. Nag drive na ako papunta sa mall.

"Saan tayo manonood ng sine?" tanong niya

"Sa Trinoma." sagot ko. "Ano gusto mong panoorin?" pahabol ko.

"hmmmmmm, It takes a Man and a Woman."

Love story? Hindi ako mahilig sa love story, pero dahil yun ang gusto niya yun ang papanoorin namin.

"Ok." sagot ko

"Mahilig ka ba sa mga love story na movies?"

"Ah eh oo, paborito ko ang love story." pagsisinungaling ko.

Pag dating namin sa Trinoma, bumili muna kami ng ticket at tsaka bumili ng snacks. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob dahil malapit na mag umpisa ang movie. For the first few minutes of the movie hindi ako nanonood, tinitignan ko lang siya. Ang cute niya tignan lalo na pag kinikilig siya. Sinubukan ko panoorin yung movie baka maganda naman talaga. Maya maya pa nagulat ako kasi sabay na kami umiiyak ni Rina. Napansin ko nakatingin sa akin si Rina at tumatawa. Nakakahiya. Inabutan ako ni Rina ng tissue habang nakangiti siya. When I saw her smile parang nawala yung hiya ko at parehas namin inenjoy ang palabas. Natapos ang movie ng mga bandang 7:00 pm.

"Ang ganda ng movie." natutuwa niyang sinabi

"Oo nga, na enjoy ko siya." sabi ko

"Halata nga." natatawa niyang sinabi, natawa rin ako.

"Gutom ka na ba Rina?" tanong ko

"Medyo."

"So shall we go?"

"Where?"

"Secret muna."

"Hmm ok." nakita kong curious siya.

Loving you [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon