Chapter 3: Big Reveal

46 0 0
                                    

Author's note: 

Sorry kung natagalan ng update.... 

tuwing makakagawa ako ng chapter 3 binubura ko agad pag iniisip ko na hindi maganda....

anyways ito na yung chapter 3, enjoy reading

---------------------------------------------

3 weeks later.... 

3 weeks of endless crying

Saturday, rest day ko. Nagising ako sa pag ring ng phone ko. tinignan ko muna kung anong oras na. Tanghali na pala, tinignan ko kung sino yung tumatawag.

Tiffany Calling . . .

sinagot ko yung call

"unnie, kanina pa ako tumatawag sayo. " tanong ng kapatid ko.

"Sorry tiff, kagigising ko lang. " sagot ko na halatang kagagaling sa iyak.

"Ate ok ka lang ba?." kinabahan ako sa tanong niya kaya agad ako nag inisip ng sasabihin na excuse sakanya.

"Masama kasi pakiramdam ko. Bakit ka pala napatawag. ". iniba ko kaagad yung topic.

"Pinapasabi ni omma na sunduin mo daw kami bukas sa airport. " sabi ni Tiffany. Just what I needed, something to keep me occupied. Besides, namimiss ko na rin sila.

"Sige, dadalhin ko yung sasakyan. " sagot ko sakanya.

"Ok ate, see you tomorrow. " masyang paalam ni tiffany, halatang excited siya.

"Ok, see you too. Ingat kayo nila mommy sa flight niyo bukas. " after that natapos na yung pag uusap namin.

The next day . . . 

NAIA . . .

An hour before their arrival, dumating na ako ng airport. Pero dahil nadelay ng ilang minutes ang flight nila mommy, so I had to wait much longer. After 2 and a half hours nakita ko na rin sila.

"Unnie!!" sigaw ni Tiffany habang tumatakbo papunta sakin.

"Tiffany!" sigaw ko rin habang nakayakap na sa kapatid ko.

"Ouch ate, makasigaw ka naman katabi mo na ako. Oo nga pala asan si kuya? " pag tatanong ng kapatid ko sabay hanap sa mokong na lalake na yun. Ako ang nan dito pero yung moking na yun ang hinahanap nitong kapatid ko.

"Oo nga anak, asan si Arman? Pag sinusundo mo kami lagi mo siya kasama. " sabi ni mommy na nasa likod ko na pala.

"Jagiya(Honey) baka naman busy ang tao kaya wala dito. " singit ni daddy na kasunod lang ni mommy. tumungo na lang ako. ayoko pa muna sabihin sa kanila yung nangyari. Agad kong niyakap si mommy at daddy. Gustong tumulo ng mga luha ko nung oras na yon pero pinipigilan ko talaga. Napansin ko na nakatitig sakin si tiffany it's as if alam niya na may problema ako.

"Grabe ka naman makayakap Rina, 3 buwan lang naman kami nawala. yung yakap mo parang maraming taon kami nawala. " nagtatakang sinabi ni mommy

"Mi naman 3 buwan din yun. matagal kaya yun." Sagot ko sakanya at niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"Ako ba anak di mo yayakapin?" sabi ni daddy na kanina pa naghihintay na yakapin ko siya.

"Dad sorry. " nginitian ko siya at siya naman ang niyakap ko.

"We missed you princess." bulong ni daddy

"I missed you all too. " dun ko na hindi napigilan umiyak. nilapitan ako ni mommy para punasan ang mga luha ko.

"Tara na nga po, para tayo mga baliw dito." natatawa kong sinabi pero tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. pati si mommy naiyak na rin. Pag katapos nun sumakay na kaming lahat sa sasakyan. Si daddy na ang nag drive, si mommy nakaupo sa harap at kami ni Tiffany sa likod nakaupo. Maya maya pa kinalabit ako ng kapatid ko.

Loving you [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon