Huling Hiling

96 2 0
                                    

Tatlong taon na ang nakakalipas mula nang mangyari ang pinaka-masakit na pangyayari sa buhay ko. Hanggang ngayon hindi parin ako nakaka-recover. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin ang mapait na alaalang dulot ng kahapon. Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Hindi ko alam kung paano ko pa maaayos ang buhay ko ngayon.

Hindi ko na alam kung paano maging matatag.                      

Hindi ko na alam kung paano ngumiti.

Hindi ko na alam kung paano itago ang sakit na dulot niyon.

Hindi ko na alam.

Hindi ko na alam..

Parang wala ng saysay para mabuhay pa.

3 years ago.

‘’Pst! Tapos na?’’ mula sa pinto ng classroom namin ay sumilip si Luke. Tinatanong niya kung tapos na klase namin.

Lagi kasi niya akong hinihintay hanggang matapos ang klase ko, at hinahatid niya ako pauwi.

Ako nga pala si Rein. Boyfriend ko si Luke. 3 years na kami.

Sumenyas ako ng ‘’HINDI PA.’’

Tumango siya at ngumiti. Sinabi niyang hihintayin niya ako.

Mabait si Luke. Sobrang swerte ko sakanya, siya yung lalakeng guni-guni ng lahat ng kababaihan. Guni-guni ng mga hilaw na dreamer na nangangarap magkaroon Prince Charming kagaya ng boyfriend ko.

Mabait. Matalino. Mayaman. Masipag. Gwapo. At walang bisyo.

Proud na proud ako kay Luke. Napaka-bait niya. Wala na yata akong mahihilng pa.

Tapos na klase namin. Nasa labas na rin ng building namin si Luke. Hinihintay ako.

‘’Nag-overtime kami. Kanina ka pa ba Luke?  Sorry ha? Pinaghintay na naman kita.’’

 ‘’Okay lang yun. Sanay na kaya ako no! Sakay ka na. Gagabi na o. Mamaya pagalitan ka pa ng nanay mo eh.’’

Bilib talaga ako kay Luke. Kakaiba siya sa lahat. Hindi siya yung tipong opurtunista. Hindi siya yung tipong walang respeto. Rinerespeto niya talaga ako bilang isang babae.

Tatlong taon na kami pero sa pisngi pa lamang niya ako nahalikan.

Ang sabi niya kase, ‘’Hindi pa pwede. Rinerespeto kita. Bata ka pa.’’

Dalawang taon lang ang agwat namin ni Luke. Second year college na ako at siya graduating na. Napakasaya sa pakiramdam na rinerespeto ako ng sarili kong boyfriend. Hindi ko ma-explain.

Unexplainable talaga.

Noong 38th monthsary namin, nagdate kami at nanood ng sine. Libre niya lahat. Sobrang saya namin.

Habang tumatagal mas lalo ko siyang minamahal. Mas lalo akong naiinlove.

Dumating pa sa point na gusto ko ng ibigay sa kanya ang lahat. Pero siya yong may ayaw.

Hindi pa daw kami kasal para gawin yung bagay na yon.

Isang araw, sinorpresa ako ni Luke. Paglabas ko ng classroom, andaming petals sa flooring.. So, sinundan ko yong petals na yun hanggang sa kung saan umabot.

Nakita ko si Luke, may hawak na flowers. Nakangiti sa akin.

‘’Surprise baby. Happy 38th monthsary ulit.. I love you.’’

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi. Kilig na kilig ako nun. Hindi ko na alam kung ano bang sasabihin. Pulang-pula narin pisngi ko sa kilig.

(One shot stories compilation)Where stories live. Discover now