Papel ka ba?

136 0 0
                                    

May ikukwento ako sa inyo.

Highschool ako nun. Fourth year. Noon pa man may gusto na ako sa classmate kong si Ken. Nagustuhan ko siya hindi dahil sa gwapo siya, matalino at oozing with sex appeal, (guni-guni? Lol. Pagbigyan niyo na 'ko! :)) nagustuhan ko siya dahil sa pagiging supladito niya. (Kahit medyo nakakasakit na dahil sa buong klase namin, ako lang yung hindi niya kinakausap.) Hindi talaga niya ko kinakausap nun, kahit simpleng ''Hello'', wala. As in wala! Wala talaga. Oh 'di ba medyo masakit? Hindi lang yata medyo, sobra pa. Gusto ko yung pagiging supladito at isnabero niya pero parang nasobrahan naman na yata niya.. Pa'no ko magagawa ang mga da-moves ko (merun ako nun kahit babae 'to, hah! 'Kala niyo!) kung hindi naman niya ko pinapansin? Hangin nalang ba lagi ang peg ko? Bakit sa buong klase ako lang talaga yung ayaw niyang kausapin, eh hello?! Ako pa na may gusto sa kanya?! Awkward. (Pero syempre ako lang naman nakakaalam nun!)

FLASHBACKS.

08.12.09

May quiz kami. Naiinis ako dahil hindi ako nakapag-review. Syet! At dahil minamalas nga ako, absent pa 'yung katabi kong pinaulanan ng stock knowledge tsaka.. teka. Nakalimutan ko din pala yung ONE WHOLE PAD ko! T.T

At dahil ready na maya-maya ang lahat sa pag-take ng quiz, nagmamadali akong tumayo at parang kawawang humingi ng papel sa kong sino mang may busilak na puso at pwede nang tumakbo sa susunod na eleksyon.

''James, papel mo nga!''

''Wala. Hiningi ko lang 'to dun ke Mike.''

''Mike, penge naman din ako!''

''Ubos na!''

Aww potek! Ang dadamot nga naman ng mga 'to! Nabuhay ang ''dugo'' ko nang makita ko si Dennis, may one whole!

''Uy,'' tinusok ko pa siya sa tagiliran.''Bago one whole mo ah, share naman diyan!''

''Uy hindi sakin 'to, kay Ken kaya 'to.''

Nabura agad ang ngiti sa mga labi ko. ''Di bale nalang.'' tumalikod na 'ko at dali-daling bumalik sa upuan ko.

''Okay class, test 1!'' ika na ng Teacher namin.

Napapakamot sa ulong naglabas nalang ako ng Notebook at doon nagtest. Pagkatapos ng test ipinasa na namin ang mga papel.

''Ba't may notebook page dito?!''

Aww patay! Nakagat ko ang ibabang labi. Itinaas ko ang isang kamay saka tumayo. ''Ma'am kasi nakalimutan ko sa bahay 'yung papel ko eh.''

''Eh di nag-aral ka nalang din sana sa bahay niyo? Palitan mo 'to, re-write it on a whole pad.''

''Yes Ma'am.''

Nahihiyang pumunta ako sa harap para kunin yung papel ko. Nang mapatingin ako kay Ken, nakatingin rin siya sa 'kin. Nakangisi pa, parang tuwang-tuwa pa siya. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan.

At dahil dun,

HAPPY MALAS DAY sa akin!

(One shot stories compilation)Where stories live. Discover now