Papel ka ba?

80 1 0
                                    

ll

DAY 5.  (TEST DAY ULIT. At swerte ko, nakapag-review na ako, nadala ko pa papel ko! :) )

 


''Okay class, test 1!''

''Hoy Shane, papel mo nga!'' classmate 1.

- pamigay.

''Shane, penge din ako, isa.''

- pamigay ulit. (Mabait ako eh!)

''Shane isa nga!''

- pamigay ulit hanggang sa halos dinumog na ko.

''Ubos na, wala na! Wala akong pambili mahirap lang kami! May pan-load kayo wala kayong pambili ng papel?!'' sabay tago sa loob ng bag yung papel.

''Ang damot mo naman!'' classmate 101. (define sobrang yabang. SIYA NA YUN!)

''Shane, pahingi naman isa.. Please?'' classmate 102. (yung isa sa mga kaklase niyong parang nagpag-iwanan ng panahon? Define him. Lol!)

''At dahil may please naman, pagbibigyan kita.'' sabay abot sakanya. Nakakaawa eh. Hayy. Minsan, hindi ko talaga maiwasang maging isang mabuting bata. (!)

''Okay class, test 1 na talaga tayo!'' ika ni Teacher sabay tap sa table.

Nagsusulat na ako ng pangalan ko nang mapansin ko sa peripheral vision ko na tumayo si Ken mula sa upuan niya.

''Alice, papel mo nga.'' narinig kong wika niya sa isa naming kaklase.

''Wala, bigay lang ni Pam sakin 'to eh.''

''Pam, pahingi naman ako please?''

''Wala eh, sorry. Hingi ka kay Shane.''

Parang biglang tumigil sa pag-circulate ang dugo ko, parang alam ko na kasi ang susunod na mangyayari. Tatawagin niya ang pangalan ko, tas sasabihin niyang ''Shane, pahingi ng papel mo. Please?''

 

Pero parang may dalawang minuto na yata ang lipas pero hindi ko pa rin naririnig ang boses niya. Nagpasya na akong mag-angat ng tingin. At eto siya, nakatayo, nakangiti sa kin. JOOOOOKE!

...Likod nalang niya ang naabutan ko. Pabalik na siya sa upuan niya. Parang tinusok ng sampung karayom ang puso ko nang mga sandaling iyon. Parang ansarap gawin yung tumayo at sigawan siya ng ''BAKIT BA HA, KEN?! ANO BANG NAGAWA KO SAYO, BA'T DI MO KO PINAPANSIN HA?! HINGAN MO KO NG PAPEEEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLLLL!!!!!!!''

Pero wala na akong magagawa kundi hayaang masaktan nalang. Ginusto ko 'to eh, ang mahalin ang isang lalaking suplado sa akin at hindi sa lahat. Sa akin lang, saklap! Ganoon ba ko kapanget para ma-reject lang? Ansakit pala.. yung feeling na parang rine-reject ka na. -.-

(One shot stories compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon