Twenty three:

11.6K 182 21
                                    

Queen's POV~

May naalala na ba siya? Anong gagawin ko? Ramdam ko ang unti-unting pamumuo ng pawis sa noo ko kahit na malamig naman sa loob ng kotse niya. 

Nakangiti siya sa akin ngunit bakas ang pagiging seryoso sa mukha niya. Hindi siya nagbibiro at alam kong naghihintay siya ng sagot ko.

Napalunok pa ako bago umiwas ng tingin at sinagot siya.

"Siguro napadaan ka dito dati kaya pamilyar sayo" diretso kong sagot sa kanya habang nakatingin sa bahay ko... sa bahay natin, Erik.


"Napadaan? Hmm.. Hindi pa ko nakakapunta dito kahit kelan. Pero pakiramdam ko, matagal ko ng alam at matagal ko ng nakikita ang bahay niyo. Grabe, ang weird ko!" natatawang sabi pa nya habang umiiling.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil hindi ako makatagal sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang pinag-aaralan niya ako. Parang tinutukoy niya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

"Ganon ba?.. uh, alis na ako" paalam ko sa kanya.

Binuksan ko ang pinto at dali-daling lumabas. Nakahinga ako ng maluwag ng maisara ko ang pintuan ngunit agad ding bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko siyang bumaba din sa sasakyan at tanungin ako.

"Pwede ba akong pumasok sa loob?" lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko ng sabihin niya iyon.

Kinakabahan ako.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong hindi ipinapakita ang iba't ibang emosyong nararamdam ko.

Hinarap ko siya..

"Gabi na. Umuwi ka na. Papasok na ko." tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. Nakita ko siyang napalunok dahil siguro sa lamig ng pananalita ko.

Alanganin siyang ngumiti sakin at tumango. 

"Hmm.. Siguro sa ibang araw nalang. Sige, Queen. Goodluck sa mission niyo." ramdam ko ang paglaki ng mata ko ng marinig ang huling sinabi niya.

May alam ba siya? 

Tatanungin ko pa sana siya ngunit agad naman siyang pumasok sa loob at pinaandar ang makina ng kotse.

Bumusina pa siya bago tuluyang umalis.

Nanatili akong nakatingin sa dinaan niya at hindi makapaniwalang may alam siya tungkol sa mission namin. 

Hindi kaya...

Hindi. Hindi maaari.

* * * * *    * * * * * 

Sinag ng araw mula sa bukas na bintana ang gumising sa akin. Inis akong napatingin sa gilid ko at nakitang 6:00 na ng umaga.

Inis akong bumangon at tuloy tuloy na pumasok sa banyo. 

Badtrip. Ang aga aga pa, eh.

Ng matapos akong gawin ang dapat gawin ay agad din akong nagbihis at sinuot ang letseng uniform ko. 

Ganto ba kapokpok ang mga estudyante dun? Kay iksi ng palda. Konting ihip lang ng hangin dito, eh, liliparin na to.

INIS.

Pangalawang araw na ng pagpasok ko sa pesteng eskwelahan na 'yun. 3 more days to go, Queen. 3 more days to go. Kailangan ko ng kumilos. Kailangan na naming kumilos.

6:45

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko sa Dad at Mom na tahimik na kumakain. Nakapalibot sa gilid nila ang mga katulong at katiwala.

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon