Eighteen:

12.5K 191 20
                                    

Queen's POV~

"If you sub 3 on the y, the result will change, it will either be...." Boring. Ano ba namang klaseng eskwelahan ito. Walang thrill ang mga professor. Walang imik ang mga estudyante. As if may mga kutsilyo sa leeg nila na once nagsalita ka, gigilitan ka bigla.

Ang mga kasama ko naman may kanya-kanya ding buhay. May tulog, may nagsi-cellphone, may nagsa-soundtrip, may nagsusulat at may kunyaring nakikinig pero kulang na lang pumikit na din ang mata kahit nakatingin sa prof sa harap. 

Aish! Gusto ko na matapos 'tong mission na 'to. And there's only on thing I should do. Kailangan kong sumama kay Nathan mamaya kapag binigay sa kanya ang delivery which is the... ring. 

Pero paano? Paano ko sasabihin sa kanya na isama niya ako pag kinuha niya 'yun sa mga underlings niya? FUCK! This is harder than solving a mathematical problem. Bullshit! I should convince him or else baka magfail pa kami.

Noone knows what will he do once he have the ring in his hands. Pwede niyang gamitin ang power na nakakabit sa singsing na iyon or sirain kasabay ng pagkasira ng underworld na pinamumunuan ko. But hell knows, I won't allow that to happen. Not in a million years. Not as long as I live in this fucking world. 

*Ringgggg* 

Parang may kung anong espirito ang sumapi sa mga estudyante ng marinig nila ang pagtunog ng bell. Uwian na. Nagsipag-gising na din ang mga kasama ko at tumayo. Katulad kanina, kahit lumabas na ang prof, andito padin ang mga estudyante. 

Hinihintay marahil na lumabas ang hari nila, si Nathan. Pwe! Kung dito ako nag aaral, kahit pa sabihing siya ang hari dito, di ako magdadalawang isip na kalaban siya. He's weak. *smirk*

"You all are going home?" tanong samin ni Nathan.

Ano bang iniisip niya? Na magka-clubbing kami at magba-bar hopping? STUPID! Psh.

"Ah, oo. Diretso uwi na kami eh. May school bus kasi kami" pagsagot ni Kiel sa kanya. 

And that hit me. I can use that as an excuse para mapilitan siyang ihatid kami o kahit ako lang. 

Nilabas ko ang pipitsugin kong kunwaring CP mula sa bulsa ng palda ko at kunwaring may binasang text at sumimangot ng pagkalaki laki. PANSININ NIYO KO! SHIT!

"Oh. Bakit ganyan ang mukha mo?" nakangiting tanong ni Nathan sakin. Thank God napansin niya.

"Ah kasi, nagtext 'yung driver ng school bus na sinasakyan namin na, di daw siya makakarating. Nasira daw kasi 'yung bus." nakasimangot na sagot ko sa kanya.

Napalingon silang lahat saken ng may pagtataka sa hitsura nila, "Ha?" sabay sabay nilang tanong. 

Iniabot ko ang CP ko kay King na katabi ko, "Basahin mo" sabi ko sa kanya ng nakasimangot.

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon