Twenty-two:

11.4K 175 7
                                    

Ini-start ni King ang engine at pinaandar aang kotse. Tahimik lamang nilang tinatahak ang daan patungo sa hideout nila King.

Sa sobrang tahimik naiisip ni Queen kung ..

Naririnig ba ni King ang malakas na pagtibok ng puso niya.

Queen's POV~

Aish. STUPID! Ano bang kabaduyan ang iniisip ko? Tss.

Tumigil kami sa isang malaking bahay na tingin ko ay hideout nga nila.

Ipinasok niya ang kotse sa garahe para iparada. Pagtigil ng sasakyan agad akong bumaba at hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ko.

Baka gawin pa niyang utang na loob ko sa kanya 'yun. Tss.

Tuloy-tuloy lang akong naglalakad hanggang sa marating ko ang pintuan nila. Hindi na ko kumatok at agad ko na nilang binuksan 'yun.

Bumungad sakin ang gang members ko na prenteng nakaupo sa sahig paikot sa isang lamesa at kumakain ng ice cream. Si Kyo at Jake na naglalaro ng billiard. Si Kyle na nakahiga sa couch at naglalaro sa iPhone niya at si Kiel na nakikikain sa mga members ko pero pilit nilang pinagtatabuyan.

"*EHEM*" kunwaring pag-ubo ng taong nasa likod ko.

Pagtalikod ko agad bumungad sakin ang mukha ni King na sobrang lapit na naman.

Agad akong humarap para iwasan ang tingin niya dahil bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko at nababadtrip na ako.

"Oh andiyan na pala kayo" sabi ni Kyle na hindi padin inaalis ang tingin sa cellphone niya.

Lumingon din samin ang iba at tumango lang at bumalik na sa kanya-kanya nilang ginagawa.

Ayos 'tong mga 'to, ah. Parang walang nangyari kanina. Pch.

Pumasok na ako at umupo sa single couch katapat nila Ara at pumikit.

Narinig ko ang pagsara ng pinto na ibig sabihin ay pumasok na din ang hari.

"Oy penge pa" rinig kong sabi ni Kiel kung hindi ako nagkakamali dahil siya lang naman ang nakiki-agaw ng ice cream sa apat.

"Bawal ka rito" mataray na sagot ni Chloe sa kanya. Psh.

"Anong bawal? Samin kaya 'yan" parang batang sagot ni Kiel.

"Kami ang kumuha sa ref kaya amin na 'to" sagot din ni Chloe sa kanya.

"Aisssh" pagmamaktol ni Kiel.

Mga isip bata. Tss. Dumilat na ako at tumayo sa pagkakaupo ko.

Dumiretso ako sa kusina nila. Hindi naman mahirap hanapin dahil kitang kita naman siya.

Pumunta ako sa ref nila at binuksan ang freezer. Kinuha ko ang isang galon ng ice cream doon at kumuha ng kutsara.

Nakita ko si King sa isang upuan sa parang mini bar nila kaya kumuha ako ng isa pang kutsara at lumapit sa kanya.

Hindi ko din alam kung bakit ginagawa ko 'to.

Tumabi ako sa kanya kaya agad siyang napatingin sa kin.

Inilapag ko ang ice cream sa counter at binuksan. Iniabot ko ang kutsara sa kanya at parang nag-aalangan pa siyang kunin 'yun pero kinuha padin niya.

Nagsimula na akong kumain peri siya nakatingin padin sakin habang hawak ang kutsara at nakakunot ang noo.

Sinubo ang laman ng kutsara ko at nagsandok pa ule. Humarap ako sa kanya at kinausap siya.

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon