Chapter 7 [Huh?]

95 4 0
                                    

CHAPTER 7 [HUH?]

Asar! Bakit ba kasi nalimutan ko yung notebook ko sa bahay, ang nakakainis pa eh walang sumasagot sa telephone...paano na to? I need that notebook, nandun yung assignment ko sa Trigonometry eh! By the way, nandito ako ngayon sa mini-park...magre-review sana ako ng lessons pero nang hinanap ko na yung assignment ko sa trigo eh naalala ko yung notebook ko, KAINIS

"Psssst!" I automatically stood up from seating on the bench. Huh? Sino yan? Ano yan? Omo!

"Who are you? Could you just show yourself? Your wasting my time." Ayaw pa ding sumagot? Nakakainis na ha? Ang sama na nga ng umpisa ng araw ko tapos dagdagan pa daw ba?

"Fine! Then don't answer! Could you just leave?" I said sa mataas na tono na ng boses ko. Bumalik na ako sa pagkakaupo sa bench tsaka nag-dial ulit ng cellphone number ng yaya ko but luckily...still no answer.

I was about to leave the place cause napagdesisyunan kong umuwi nalang at kunin yung notebook ko, yeah...that's how important my notebook is even if it means na kailangan kong mag-commute, akala niyo hindi ako marunong mag-commute no? Well, you're definitely wrong, tao pa rin ako no?...and I want to experience what others are experiencing. Inayos ko yung bag ko tsaka tumayo when someone grabbed me and covered my eyes with his/her hands.

Awtomatiko akong napasigaw when I felt two hands covered my eyes.

"Kyaaaaaaaaaaaah! Let go of me! Sino ka ba? What do you want?" sigaw ko

Huhuhu...Lord, ayaw ko pa pong mamatay...I still love my life kahit puppet lang ako ng mga magulang ko...please...??? 

Nagpupumiglas ako pero hinawakan agad ng isa pang kamay ng estranghero ang aking mga braso...Grabe! Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko...

"Please, bitawan mo ako...ano bang gusto mo ha? You want money? Fine! Kunin mo lahat ng nasa bag ko." I said habang patuloy parin sa pagpupumiglas. 

How could someone enter this school this easy? Hindi na ba mahigpit ang seguridad ng school nina mommy at daddy?

"Tch!"

Huh? Bakit parang ang familiar? Agad akong kumalma ng maramdaman kong binitwan na ng estranghero ang braso ko tsaka tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.

Hinarap ko ang kung sino mang walang modong nanakot sakin...

At sa gulat ko...

Si Alex lang pala...

"Hoy lalaki! Walangya ka! Tinakot moko! Kung sa tingin mo magandang biro yun, Pwes! Hindi!" sigaw ko sa kanya habang pinagsusuntok ko ang dibdib niya.

"Oi! Kalma lang Jade! Nagiging bayolente ka pala kapag nagugulat..." he said

"Talaga! kasi hindi nakakatuwa yung ginawa mo...p-paano nalang kung may heart attack ako? Edi inatake na ako nun? P-paano pag inatake ako tsaka mamatay ako? Kaya mo bang ibalik yung buhay ko? Ha? Ha?!!!" sigaw ko sa kanya habang patuloy pa ring pinagpapalo ang dibdib niya.

"Awat na Jade, nandito lang naman ako kasi may kelangan ka sa akin."

Huh? Ako may kailangan sa kanya? 

"Ano bang pinagsasabi mo ha? I don't need anything from you and where did you get the idea that I need something from you?"

"Trust me, you need something I have now."

Huh? Seriously, what is he saying?

"Here." he said sabay abot sa akin ng notebook ko. Right, yung notebook na balak kong balikan sa bahay. Paano napunta sa kanya to? Who gave this to him?

Nag-aalangan man ako kung pasasalamatan ko siya or hindi eh nagpasalamat pa rin ako, "Sa-salamat...", Sino naman ang hindi mag-aalinlangan kung muntik kanang mamatay sa kaba diba?

A/N: Sorry kung matagal bago ako nakapag-UD...buay lang talaga ang lola niyo eh, by the way...sorry for the short UD. I'll update mamayang gabi, that's a promise. May part 2 po ang chapter na ito, yun po ang ipo-post ko mamayang gabi.

Who's My Fiance? ongoingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora