Chapter 1 [What?]

369 14 15
  • Dedicated to Jozette Hisu-an
                                    

Chapter One [What?]

[Leiana's POV]

♫ I can read your mind ♫

♫ And I know your story ♫

♫ I see what you're going through, yeah ♫

♫ It's an uphill climb ♫

♫ And I'm feeling sorry ♫

♫ But I know it will come to you ♫

♫ Don't surrender ♫

♫ 'Cause you can win ♫

♫ In this thing called love ♫

Dali-dali kong kinuha sa loob ng bag ko ang cellphone kong kanina pa tumutunog. Nang makita kong si daddy ang tumatawag eh agad ko itong sinagot.

"Hello? Dad? What can I do for you?"

"Leiana Jade, go home now. May importanteng bagay tayong pag-uusapan. Now." pagkasabi niya nun eh binaba niya agad ang telepono. Alam kong importante talaga ang pag-uusapan dahil hindi naman ako gagambalain ni dad kung hindi ganun ka-importante ang pag-uusapin namin lalo't nagpaalam naman ako sa kanyang bibili ako ng materials para sa project ko.

Binilisan ko ang paglalakad patungo sa parking lot ng mall kung saan ako hinihintay ng driver ko. Hindi ko nga alam kung matatawag pang paglalakad tong ginagawa ko. Halos tumatakbo na kasi ako. Basta kasi si daddy ang nagsabi eh sinusunod ko agad, takot kasi ako sa kanya. Baka atakihin pa yun ng hypertension niya eh, ayaw ko namang mangyari yun.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo este sa paglakad pala nang may mabunggo akong matigas na bagay...

Dahil dun eh muntik na akong matapilok. Kainis naman kasi tong high heels ko eh, sobrang taas...kung hindi lang si mommy ang pumili neto eh hinding hindi ko to isusuot. Inalalayan naman ako nung nabunggo kong...lalaki?

Waaaah! Naka-bunggo ako ng isang lalaki! Nakakadiri!

"Miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo." sabi sa akin ng lalaking nabunggo ko

Tiningnan ko lang ang mukha niya. May itsura naman siya. Actually super gwapo niya...pero walang epekto sa akin ang mga ganun. Nandidiri ako pag nakakahawak ako sa isang lalaki. Ayaw kong mapalapit sa mga lalaki of course with the exception of my Dad. But don't get me wrong ha? Hindi po ako man-hater, wala naman akong rason para magalit sa kanila eh. Wala pa namang lalaki ang nakapanakit sa akin dahil never pa akong nagka-boyfriend o nagka-crush man lang. I just don't feel having myself near to boys. 

Dahil ayaw ko namang magmukhang bastos dahil hindi naman talaga ako bastos eh humingi nalang ako ng pasensya dun sa lalaki. 

"I'm sorry, nagmamadali lang talaga ako eh. Sorry ulit. Gotta go." sabi ko nalang sa kanya at tumakbo ulit este lumakad pala.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay eh sinalubong agad ako ng mga maids namin at isa-isa silang nag-bow sa akin. Nginitian ko lang silang lahat. Kung tutuusin hindi naman nila kailangang gawin yun eh. 

Who's My Fiance? ongoingWhere stories live. Discover now