chapter 4

16.8K 103 104
                                    

Nakita ni Mark si Christian na pababa ng sasakyan nito at tumatakbong papasok ng cafeteria. Salamin kasi ang ding ding ng cafeteria kung saan siya nandoon ngayon.

 May usapan kasi sila ni Christian na magkikita. At dito sa cafeteria na ito sila magkikita. Pati ang ibang barkada, dito pumupunta kung may mahahalagang paguusapan.

Naging tambayan na nga nila ito. Bukod kasi sa malinis at magandang serbisyo, masarap ang kape nila dito.

Balak ni Christian bumili ng condo unit na pagmamay ari niya. Yun ang negosyo niya at dun siya nalilinya.

Si Christian ay may negosyong mga sasakyan. Kaya kung sasakyan naman ang hanap nila si Christian lang ang kinokontak nila.

"Pareng Mark kanina ka pa? Pasensiya ka na matraffic eh!" sabi ni Christian at naupo

"Okay lang kararating rating ko lang din naman." sagot niya

"Asan na yung kasama mo?" tanong ni Christian

"Kasama?" kunot noong sagot niya

"Oo bago ko iparada ang sasakyan ko may nakita akong katabi mo parang may edad na babae nakablack pa nga eh"

"Kanina pa ko dito. At kanina pa ko walang kasama dito."

"Ganun ba? Akala ko prospective buyers mo eh. Kung di ko lang nakitang medyo may edad na baka napagkamalan kong girlfriend mo" sabay tawa nito

"Ewan ko sayo pare" sabi niya at nakisabay ng tawa dito

"Maiba ako pare magkano nga ulit yung unit na nagustuhan ko?

"3.5 pare kukunin mo na ba? Ba't ba bumibili ka na ng condo? Anong balak mo ha?"

"Wala naman, masyado na kong napapamahal sa mga hotel lam mo na!" sabi nito at sinabayan ng tawa

"Diyan ako bilib sayo eh sa pambababae mo"

"Ganon talaga pare. Kailangan i-enjoy ang kabataan at ang pagiging single. Lam mo na pag may asawa ka na di mo na magagawa lahat 'to!"

"Bakit pare my balak ka na bang magasawa?" At sinabayan ni Mark ng tawa

"Loko pare naghahanap na nga ako eh. Minsan kasi parang gusto ko na din manahimik eh"

Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Christian. Pero ipinagsawalang bahala na lang niya ito at biniro na lamang.

"Huwag pare bata ka pa!"

"Luko luko ka talaga pare. Ang ibig kong sabihin sa pagaasawa. At saka kung meron mang mauuna sa ating dalawa ikaw yun" sabay tawa ni Christian

"Bata pa ko, di ko alam yan!" sabi ni mark at nakisabay sa pagtawa ni Christian

HORROR stories (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon