prologue

84.1K 235 62
                                    

Prologue

"Tama na yan!"

"Hayaan mo siya Mitch!"

"Tingnan mo nga yan! Mukhang kay baho baho!"

At nagtawanan lahat. Pito silang magkakabarkada 4 na lalaki 3 babae. Si Leo, Mark, Christian, Geoff, Anna, Liz at Mitch. Napagkatuwaan nila ang isang matandang pulubi na gagala gala sa lugar nila.

Ito daw si Manang Elsa. Namatayan daw ito ng anak kaya nabaliw at nagpagala gala at pilit na  hinahanap ang anak.

"Hanap ko lang anak ko, lalaro lang siya labas bahay namin tas bigla siya nawala kaya hanap ko siya." sabi ng pulubi na parang takot na takot

Itinulak ito ni Leo kaya napahiga ito sa daan.

"Leo please tama na!" si Mitch na nagmamakaawa na sa mga kabarkada nito

"No Mitch paglalaruan lang natin siya" sabi ni Leo na nakangisi

"Wag po, sakit po wag po" pagmamakaawa ng matanda

"Anong wag ha?" sabi ni Mark na piningot pa ang tenga ng matanda at saka tumawa

"Etong bagay sayo" si Liz na sinabunutan ang matanda

Lumapit din si Anna at nakisabunot sa matanda at hinatak ito. Kinaladkad nila ito habang nagtatawanan.

Umiyak ang matanda at nagmamakaawang tigilan na siya. Ngunit hinawakan ito ni Geoff at Christian sa paa at kamay at anyong ihahagis ito.

"Wag please maawa naman kayo sa kanya, wala naman siyang ginagawa!" sigaw ni Mitch sa mga kaibigan nito.

Ngunit walang nagawa ang sigaw nito. Inihagis pa rin ng mga ito ang matanda at sabay sabay na nagtawanan.

Agad tumakbo si Mitch sa namimilipit na matanda.

"Manang Elsa ayos lang po ba kayo? Pagpasensiyahan nyo na mga kaibigan ko. Sige na na po umalis na po kayo dito" si Mitch at inalalayan ang matanda

Ngunit itinulak ito ng matanda kaya napaupo si Mitch.

"Gago kang matanda ka ah!" si Geoff na inundayan ito ng suntok sa mukha

"Geoff no!!!" sigaw ni Mitch

Ngunit naglapitan pa sina Leo, Mark at Christian at kinawawa ng tuluyan ang matanda.

"Stop it please!" awat ni Mitch habang umiiyak

Duguang nakatihaya ang matanda ng tantanan ito ng apat. Agad na lumapit si Mitch sa matanda. Pero hinatak siya ni Geoff palayo.

"Bitiwan mo ko Geoff! Dadalin ko siya sa ospital!" sabi ni Mitch na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Geoff.

"Baliw ka ba? Hayaan mo siya walang masasayang na buhay diyan!" sabi nito at tumawa ng tumawa kasabay ng iba pa

Natigil ang tawanan ng lahat ng biglang magsalita ang matanda.

"Ba..ba..lik a..ko..,,, Ba.. ba..lik..an ko ka..yo..." hirap na hirap na sabi ng matanda

"Sige antayin ka namin tanda!!" sabi ni Leo at nagtawanan na naman

"Pare di na gumagalaw tingnan niyo" sabi ni Christian

Agad na lumapit si Mark sa matanda. At kinapa ang pulso nito. Tumingin sa kanila si Mark at umiling.

"Patay na siya!" sabi ni Mark na parang nabalisa

"Kunin ninyo ang kotse dali!!!" sabi ni Leo

Nang makuha nila ang sasakyan ay agad nilang isinakay ang matanda at itinapon sa isang bangin. At ng sumunod na mga araw ay parang walang nangyaring balik sa kanikaniyang trabaho.

___________________________________________________________

Dun po sa mga may mga negative reaction sa mga stories ko, pasensiya na kayo hindi naman po talaga ko propesyunal na manunulat. Gusto ko lang din naman magshare ng kwento. Yun lang poh at maraming salamat!

______________________________________________________

 Guys pa open naman nito makakatulong ito ng sobra sa akin.. salamat

HORROR stories (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon