chapter 3

19.9K 104 27
                                    

papunta si Liz sa bahay ni Anna dahil doon ang meeting place nilang magbabarkada. Simula kasi ng nangyari ang insidente kay Manang Elsa nagkanya kanya muna sila.

Habang nasa kahabaan siya ng biyahe. Bigla niyang naisip ang nangyari kay Manang Elsa. Hindi din naman niya gusto ang nangyari dito. Kaya lang andun na yun eh damay damay na.

 Sakto namang pagpalit ng kulay pulang signal na paghinto ang ibig sabihin. Kaya huminto siya. Habang nakahinto siya nakita niya ang mga nagkakatuwaang mga tao.

Tuwang tuwa ang mga ito sa nagsasayaw na pulubi na paikot ikot lang naman. Hindi na niya sana papansinin ng bigla itong humarap sa kanya.

Si Manang Elsa buhay! Nakangisi ito sa kanya at saka tumitig ng masama. Saktong pag go ng signal ay agad niyang pinasibad ang sasakyan niya.

Nang lingunin niya ito ay wala na ito doon. Takot na takot na agad siyang pumunta sa bahay nila Anna.

Pagdating niya sa bahay nila Anna ay agad niyang nakita ang barkada. Siya na lang at si Mitch ang wala. Pero hindi na niya aasahan pa si Mitch.

"Hi guys" bati niya sa lahat

Gusto sana niya ikuwento ang nakita niya kanina. Pero hindi na lang niya itinuloy. Ngayon na lang ulit sila nagkita kita ayaw niyang matakot ang mga kaibigan niya.

"Oh ayan na pala si Liz eh" sabi ni Anna na nakangiti

"Kumusta na kayong lahat? Long time no see ah? bati niya sa lahat

"Mabuti naman kami" sagot naman ni Mark

"Kulang tayo ah?" sabi niya na ang tinutukoy ay si Mitch

Nagtinginan ang lahat kay Geoff.

"Ooppss wag niyo ko tingnan ng ganyan dahil wala na ko magagawa dahil nakipaghiwalay na siya sa akin" malungkot na sabi nito saka yumuko

Nilapitan ito ni Christian at inalo ang kaibigan.

"Hayaan mo na muna si Mitch pare. Makakapag move on din yun. Alam ko namang hindi tayo matitiis nun eh" sabi ni Christian

"Oo nga naman Geoff. Andito tayo para magsaya hindi para maging malungkot" sabi ni Leo

"Oo nga guys! Ano? Nood tayo sine? Dating gawi?" excited na sabi ni Anna

At nangiti na nga ang lahat. Nagkanya kanya na muna sila papunta sa Mall kung saan sila manonood ng sine. Dahil kanya kanya sila ng sasakyan.

Pagdating nila sa mall ay agad silang kumuha ng tickets. Napagkasunduan nilang lahat na horror ang panonoorin nila dahil mahilig silang magbabarkada sa Horror.

HOUSE AT THE END OF THE STREET yun ang movie na napagkasunduan nilang panoorin.

HORROR stories (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon