Chapter Twenty 👑

13.6K 280 14
                                    

Meant

                   

"Aeness, lalabas lang ako sandali." paninigurado ko. Tinignan naman niya ako ng nakakunot ang noo.

" Samahan na kita." Natawa naman ako sa sinabi niya at umiling na ako. Seriously?

" Aeness, ano ka ba. It's been three days simula ng nangyari iyong pagtangka kung pag-alis. Hindi na ako magtatangkang umalis ngayon at kahit kailan. Promise, lalabas lang naman ako at magpapahangin."

Napatili ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko at pinahiga niya ako sa kama namin katabi niya. I felt his arms wrapped my body and he buried his face on my bare shoulder. He hug me tight and he bit my neck. Hinampas ko naman ang braso niya. He really loves to kiss and bit my neck, hindi ko nga lang alam kung bakit. Parang ito yata ang favorite spot niya sa katawan ko na palagi niyang hinahalikan.

" You can't blaim me, sweetheart. Napaparanoid ako kapag hindi kita nakikita at kasama. Pakiramdam ko anumang oras pagtataguan mo ako at iiwan dito."

It's true that his being paranoid.. Dahil simula ng mangyari iyon. Biente kwatro oras yata ang higpit ng pagbabantay niya sa akin. Hindi yata matatapos ang araw na hindi ako umaalis sa tabi niya. Kung hindi man kami magkasama, may inuutusan naman siyang bumantay sa akin. Naiilang nga ako minsan. Kapag wala siyang meeting, sinasamahan niya ako sa pag aaral ko at minsan isinasama niya din ako sa mga meetings niya at nakikita ko doon si Hera. She's part of the royale committee and it's been three days simula ng huli kaming nagkausap. I don't know what happened pero parang naging mas ilag na siya sa akin. And Ms. Carrie as well, nagulat ako dahil hindi na siya bumibitaw ng mga masasakit na salita at hindi na din niya ako sinusungitan. Although, she's treating me civilly. Baka ginagawa lang niya iyon kasi minsan kasama ko si Aeness at kung wala si Aeness ay iyong royale guard na si Julio ang bumabantay sa akin.

" Promise, hindi na talaga ako aalis------Aeness, ano ba!" I hissed when he suddenly bit and nibble my earlobes. Pakiramdam ko nagsitindigan ang balahibo ko sa katawan. It made me shiver. Damn this man for seducing me. Iba pa naman ang hormones kapag buntis. Nagiging aggressive.

" You promised me before and you still try to leave me." mahinang bulong nito. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil doon. " Atsaka, maaga pa naman. Dito nalang muna tayo."

" Gusto ko ngang magpahangin sa labas, Aeness. Na ako lang mag isa." Pinagdiinan ko talaga iyon huling sentence ko. Naramdaman ko naman ang pag iling niya.

" You sound suspicious, sweetheart." naghihinalang bintang nito. Hinampas ko nga ang braso niya. Anong suspicious?? Kung ano-anong naiisip ng lalaking ito. Magpapahangin lang ng mag-isa. Nakakahinala na na may gagawing hindi maganda.

" Aeness nama------" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang pinasok ang kamay niya sa loob ng tiyan ko na halata na ang umbok at hinamas niya iyon.

"Lumalaki na ang tiyan mo Wane. Anong kayang magandang ipangalan natin kay baby kapag lumabas na siya?"

Hindi ko na napigilang mapangiti. Nililiko na naman niya ang usapan namin. Napaigik siya sa sakit ng kinurot ko ang braso niya.

" Ano ka ba. Hindi pa nga natin alam ang gender ng magiging anak natin." I closed my eyes when I felt his fingers making circular motion at my belly.

"Kahit na. Paano kung lalaki? Ano kayang magandang pangalan?"

I saw him smile at hindi ko na napigilan ang mapangiti ng makita kung seryosong-seyoso talaga siya sa pag iisip.

" Airo." natatawang sagot ko. Itinuon naman niya ang tingin niya sa akin.

Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Where stories live. Discover now