Prologue

21.8K 320 23
                                    

Prologue

  "Are you scared?" Zach pulled my hand and directly looked at my direction. Napalingon naman ako sa gawi niya.

"I-i don't know" mahinang saad ko. It's been two years since the last time na nakaapak ako dito sa Pilipinas at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Kahit hindi pa ako handa kailangan kong bumalik dito para sa kasal ng pinsan kong si Tazzle. Gosh! I don't even know kung ano ang haharapin ko sa pagbabalik ko. Although, I know na wala naman akong babalikan dito because he is already married and I'm sure wala din siya dito sa bansang ito.

"Sabi naman ng Kuya Shaveen mo wala siya dito diba? And I think hindi ka naman na niya guguluhin it's been two years, Wane." seryosong saad ni Zach sa akin at binalingan ulit ang daan habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

I bit my nails and I closed my eyes. Yes, he doesn't care about me at all dahil una palang naman hindi na niya ako mahal. Pero paano naman ako?? It's been two years and still I can't get him off of my system. Minsan nga ng nasa States pa ako sumasagi pa sa isip ko na sana pumayag nalang ako sa ganoong set up, na maging kabit o royale mistress niya basta makasama ko lang siya. Shit! but that was a ridiculous outlook.

Masasaktan sina Mama at Papa kung iyon ang magiging desisyon ko but I love him.. I love him too much that it hurts until now.

"Relax, Wane. Walang masamang mangyayari. Ano ka ba." nakangiting saad nito sa akin.

Zach became my bestfriend. I met him in States at siya din ang manager ko. I became successful in my career but I know deep inside me I felt empty. Kahit ganito na ang naabot ko sa buhay. Kung hindi ko lang siguro nakilala si Zach hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin. Zach was my sister in law's brother.

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Wala naman talagang masamang mangyayari but why do I have this strange feelings na hindi maganda sa pagbabalik ko? At hindi ko alam kung ano ang bumabagabag sa akin ngayon.

"We're here." nakangiting saad nito sa akin ng makarating kami sa venue ng reception. Hindi na kami nakaabot sa simbahan at sinabihan ko nalang si Mama na sa hotel nalang kami didiretso kung saan ang reception.

"Mauna ka na doon. Susunod nalang ako I'll just park the car first." napatango naman ako sa sinabi niya at lumabas ng sasakyan niya.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng hotel. I walk with confidence at halata ko ang mga tingin ng mga taong nadadaanan ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at diretso lang ang lakad ko.

Nawala ang kaba ko ng tuluyang na akong makarating sa loob ng bulwagan at bumungad sa akin ang napakaraming bisita. Napalingon naman sila sa akin at hindi ko na napigilang mapangiti when I saw my Mother and Father looking at me with a smile etch on their faces. Agad na lumapit naman ako sa kinaroroonan nila..

"Mom, Dad." nakangiting saad ko at niyakap ko sila. Hindi ko na napigilang mapaluha ng maramdaman ko ang mga yakap nila sa akin. I miss them so much! At hindi ko na mapigilang maging ganito ka emosyonal.

" We miss you, anak." sabay na saad nina Papa at Mama sa akin.

" Me too, Dad and Mom. Namiss ko din po kayo ng sobra." naiiyak na saad ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanila. I wipe my tears and smiled to them..

" Are yo staying for good?" tanong ni Papa. Umiling naman ako sa kanila. Even if I wanted to, I just can't. Marami pa akong gagawin doon. And I don't think I would be ready to stay here for too long for now..

" Nope, Dad. Two days lang ako dito and after that ay babalik ako ulit sa States." nakangiting saad ko. Bumakas naman ang lungkot sa mukha nilang dalawa but I know they understand me.

Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Where stories live. Discover now