Capitulo Seis

70.1K 1.2K 103
                                    

“MGA beks, hindi na ba natin panonoorin 'yong vlogs ko?” Ang maarte ngunit naglalambing na tanong sa amin ni Phil, ang inborn na baklita sa aming limang magbabarkada.

Kompleto kaming limang baklita ngayon sa bahay namin. Nasa sala kami at kasalukuyang nanonood ng movie sa Netflix. Komportable kaming nakaupo sa carpet sa sahig habang si Hilda lamang ang nakaupo sa sofa sa likod namin. May mga Coke in can at milktea sa center table, pizza, at isang supot ng chichirya. Patay ang ilaw.

“Tapusin muna natin ‘tong The Notebook. Mamaya na natin uli panoorin 'yong kuyukot mo,” ani Xen, ang boyish pero mahilig sa macho na kabarkada namin. Kapag wala sa school ay hilig niyang magsuot ng baseball cap.

“Never akong binangungot sa mga horror books na binabasa ko, Phil,” poker-faced sa saad ni Hilda, sabay adjust sa suot na salamin. “Pero kaninang napanood ko 'yong videos mo, gising pa ako ay binabangungot na ako.”

Sa narinig ay hagalpakan kami nina Ems at Xen.

“Puro talaga kayo mga antibiotic, ano?” ani Phil, todo busangot at kay tulis ng nguso. “Ang ganda ko kaya do’n!”

Lalo kaming nagtawanan. Paano ba naman, halos kalahating oras yata naming sinikmurang panoorin iyong mga video cuts niya. Ang huling setting ay sa kasukalan. Umaarte siya, umiiyak na parang si Sisa habang tila hinahabol ng mga anino, ng mga maligno, at ng mga taga-MTRCB suot lamang ang dilaw na piluka at puting tuwalya sa katawan. Humihiyaw siya at tila sindak na sindak sa video. Humihiyaw din kaming apat dito at sindak na sindak nang mahulog iyong nakabalabal niyang tuwalya—na halatang sinadya. Imbes na manonood pa sana kami ng horror, hindi na. Matapos mapanood iyon, malabong tablan pa kami ng takot. Kaya nanood na lang kami ng romance.

“Kaya ba lagi kang busy last week ay dahil sa video na 'yon?” tanong ko.

Tumango siya. “Gusto ko lang namang maging artista,” saka humirit pa ng, “—diyosang artista.”

“Kung gusto mo pa lang maging artista, magbomba ka na lang sa pelikula,” basag sa kanya ni Hilda.

Sa ikalawang pagkakataon, hagalpakan na naman kami nina Ems at Xen.

“Tantanan mo ako, Hilda, kundi ay sasabihin ko kay Engelbert na crush mo siya n’ong grade four tayo!” banta ni Phil.

“Grade five ko siya naging crush, Phil. Pero subukan mo at gugupitin ko 'yang betlog mo,” taas-kilay namang sagot ni Hilda.

“Aba’t—”

“Ano?”

“Wuuuuu! Fight! Fight! Fight!” sulsol naman namin ni Xen.

“Guuuuys! Owemji! Nagkikiss na silaaaaa!” biglang tili naman ni Ems, tutok na tutok ang mga mata sa TV.

Sabay-sabay kaming napalingon sa TV—at naghahalikan na nga iyong dalawang bida.

Kanya-kanya kami ng bersiyon ng pagtili—well, maliban kay Hilda na iiling-iling lang.

“Ang sweet nila! Gusto ko ng ganyang kiss…”

“Ang yummy! Sana ganyan din ang maging first kiss ko.”

“Oh, my gosh! Ang macho niya! Ang sarap maglambitin sa mga braso niya!”

“Paano nila nagagawang maghalikan sa gitna ng ulan? Madumi ang ulan!”

“Ano kaya ang lasa ng kiss?”

Ang tanong na iyon ni Ems ang nakapagpatahimik sa aming apat. Oo nga, ano? Ano kaya ang lasa ng kiss? Lalo’t pare-pareho naman kaming virgin pa ang lips.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ciel LobregatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon