Capitulo Cinco

74.6K 1.3K 111
                                    

“MA, buo pa po 'yong bahay natin… Po? Wala pong gasgas 'yong nonstick pan ninyo kahit konti… yes po, opo, nasa akin pa 'yong tupperware at kumakain po ako nang maayos at natutulog nang— Ma! Hindi po ako nagbubulakbol, swear to G! Super bait ko kaya mana sayo… yes po, sige po, ingat kayo diyan lagi at pasalubong ko, Mooommyyy! Mwah!”

Pagkatapos naming mag-usap ng nanay ko sa cellphone, napatingin ako kay Hilda na kanina pa nakamasid sa akin sa gilid ng pintuan ng classroom namin. Classmate ko siya at isa sa mga best friends ko na may pang-horror na aura. Ang totoo niyan, siya ang may-ari ng mga horror mangas na makikita sa loob ng kuwarto ko. Naiiwan niya iyon madalas kaya naipon na doon. “Bakit?”

“Tapos ka nang sermunan ni Tita?” tanong niya.

“Hindi sermon 'yon, paalala,” palusot ko.

“Hmm, hindi mo sinabi sa kanya na naiwala mo 'yong payong niya n’ong nakaraan?”

“Gagi, papatayin ako ni Mommy 'pag nalaman niya 'yon!”

Ngisi siya. “Patay kang bata ka.”

“Alam kong 'di mo ako isusumbong kasi love mo ako.”

“Dahil abnoy ka 'kamo.”

“Panget ka!”

“O.” Inilahad niya iyong bitbit na garbage bag na noon ko lamang napansin na hawak pala niya. Maliit lang iyon pero puno. “Pasuyo ako nito para hindi kita isumbong. Patapon sa likod.”

“Ano ‘to, blackmail? Saka hindi naman ako cleaner today,” reklamo ko. Cleaners kasi sila ni Ems at schedule nila ngayon na linisin ang buong classroom kasama ang dalawa pa nilang kagrupo. Sa totoo lang ay hinihintay ko lang naman sila kasi nagyaya silang mag-milktea bago umuwi. Tapos uutusan pa ako?

“Huwag ka nang magreklamo at blackmail nga ‘to.”

“Kainis naman ‘to…”

“Dali naaaaa!” Lalo niyang idinuldol iyong basura sa akin.

Nakatikwas ang mga daliri na tinanggap ko iyon, hindi maipinta ang mukha. Kapag cleaner nga ako, tagawalis lang ako, never akong pinagtapon ng basura ng mga boys. “Oo na, heto na, itatapon na po dahil masipag ako.” Binelatan ko siya.

Ngumisi lang siya, sabay adjust sa suot na salamin.

“Ay, bespren! Sama ako!” hiyaw ni Ems, sabay takbo sa akin hawak ang walis-tambo.

“Huwag na.” Hinila ito pabalik ni Hilda sa loob ng classroom. “Hindi pa tayo tapos maglinis.”

“Halaaaaa!” nakalabing reklamo ni Ems.

Ibinulsa ko sa palda ko iyong cellphone ko at dadabog-dabog akong umalis doon bitbit ang garbage bag. Mula sa classroom namin, liko pakaliwa, kulang-kulang kalahating kilometro ang lalakarin ko bago ko marating iyong Dumpster na nakapuwesto sa labas ng gate—gate sa likod ng Sycamore. Doon itinatambak ang mga basura nang mahakot ng garbage truck kinabukasan.

Matapos ihagis iyong garbage bag sa Dumpster, naghanap agad ako ng faucet na puwedeng paghugasan ng kamay. Nahanap ko naman agad iyon sa isang gym. Sa labas niyon, sa gilid, kung saan fixed na iyon sa pader, naroon ang pahabang lababo at pahabang linya ng mga faucets. Malinis. Tiles. May bubungan.

Iwiniwisik-wisik ko sa ere ang mga kakahugas kong kamay nang marinig ko ang hiyawan sa loob ng gym. Curious na napalingon ako doon at dahan-dahang sumilip—at suwerte namang nakabukas iyong isang pinto ng double door.

Hmm, ano’ng meron? Basketball?

Ang malalakas na paghampas sa bola, gitgitan ng suwelas ng mga sapatos, matinis na tunog ng pito, at hiyawan ng ilang manonood ang unang sumalubong sa akin pagtapak ko sa loob ng gym kung saan kasalukuyang naglalaro ang dalawang magkatunggaling team sa volleyball—women’s volleyball.

Ciel LobregatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon