Capitulo Tres

77.8K 1.4K 141
                                    

BUMUBUHOS ang malakas na ulan nang iparada ni Ciel ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Madilim. Halos hindi ko na makita ang daan at streetlights. Papaalis pa lang kami kanina sa restaurant ay nagsisimula nang mangalit ang kalangitan.

“Ba’t patay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay n’yo?” nagtatakang tanong nya—alerto ang mga mata, nakakunot ang noo. “Wala ba ang parents mo dito?”

Tumango ako. “Wala sila.”

“Oh. Kaya pala walang magagalit kahit umuwi ka nang late.”

Tumaas ang kilay ko. “Excuse me lang, ano? Ngayon lang ako umuwi ng late. Saka kahit wala ang parents ko dito, bantay-sarado naman ako ng mga kapitbahay namin kaya wala pa rin akong lusot. Siguradong imamarites nila ako kay Mommy.” Ang totoo ay mala-CCTV ang radar ng mga kapitbahay namin pero mga mabubuti naman at malapit kami sa mga ito.

“Nasaan ang mommy mo?”

“Na kina ninang kasama 'yong dalawang kapatid ko.”

“May dalawa kang kapatid?” halatang gulat siya. “Hindi nakuwento sa’kin 'yon ni Jonathan.”

“Yup. Isang makulit na bata at isang malditang pusa.”

“Oh. Ang daddy mo?”

“Abroad.”

Tumangu-tango siya. “Okay, ihahatid na kita sa loob.”

“Huwag na, tatakbuhin ko na lang—”

“Hindi,” kontra niya. “Dito ka lang, saglit lang ako.” Kinuha niya iyong payong sa likod ng upuan niya—mahaba, kulay itim. Binuksan niya iyong pinto ng sasakyan, binuksan iyong payong, lumabas siya at saka isinara ang pinto. Ilang sandali lang ay nasa harap na siya ng passenger side. Hinila niya iyong pinto. “Halika na!” sigaw niya sa pagitan ng buhos ng ulan.

Bago pa ako makapagprotesta ay nahila na niya ako palabas. Ilang sandali pa ay namalayan ko na lang na tumatakbo na kami patungo sa bahay sukob sa iisang payong.

“Okay ka lang?” tanong niya n’ong nasa loob na kami.

“Oh, shems!” sa halip ay sagot ko. Bukas na iyong ilaw sa foyer kaya kitang-kita ko ang mga basang-basa niyang damit. Natutop ko ang noo ko, kagat-labi. “Tingnan mo! Basang-basa ka! Magkakasakit ka niyan at lagot ako kay Kuya!”

“Ako nang bahala sa kuya mo.”

“Pero—”

“I-lock mo nang mabuti ‘tong pinto pagkalabas ko at hayaan mo lang na nakabukas ang ilaw sa lawn. Ako nang magsasara sa gate,” bilin niya na daig pa ang nanay ko bago tumalikod dala iyong tumutulo niyang payong.

Okay, fine! Umalis ka! Umuwi kang basang-basa! Ang lamig-lamig pa naman sa loob ng oto mo, hmp!

Kaso ay lagot talaga ako nito kay Kuya Jay kapag nagkasakit ang girlfriend niya.

Syet, paano ba ‘to…? Paano kung mabangga siya dahil sa lakas ng ulan tapos magka-amnesia? Hala, baka forever na akong hindi kausapin ni Kuya…

“Ano… k-kuwan… um…” Syet. Paano’y naiilang akong tawagin ang pangalan niya. Sobrang awkward. “T-teka lang— ano!” tawag ko sa kanya pero ni hindi man lamang siya huminto, tuluy-tuloy pa rin siya. Hindi ko alam kung nananadya siya o ano.

Pero bakit nga ba hirap na hirap akong tawagin ang pangalan niya?

Siguro ay dahil ang pagtawag sa pangalan niya ay parang simula na rin ng pag-acknowledge ko sa existence niya sa buhay ng lalaking pinapangarap ko. Na after eleven years ay may darating sa buhay namin na isang babae na mas pahahalagahan na ni Kuya Jay keysa sa friendship namin… mas bibigyan na ng time keysa sa akin… at mas mamahalin na nang higit pa keysa sa akin. Sobrang hirap tanggapin. Nakakangilo.

Narinig ko ang pagbukas ng bakal na gate.

“T-teka…!” Bigla akong nataranta. Hay naku, Batman! Kasihan
mo ako! Mula sa gitna ng malakas na buhos ng ulan, isinigaw ko
ang pangalan ng babaeng iniibig ng lalaking pinapangarap
ko. “Ciel…!”

Napahinto siya sa akmang paglabas. Nilingon niya ako. Halata ang pagtataka sa mukha habang unti-unti na namang naglalaro iyong pigil na ngiti sa mga labi niya. “Tinawag mo ako?”

Sunud-sunod na tumango ako, nasa dibdib pa rin ang pagkailang.

“Bakit?” tanong niya, parang diskumpiyado pa.

“D—dito…” Lumunok ako, “d-dito ka na lang… ano, um, dito ka na lang magpalipas ng gabi...” Damang-dama ko ang paggapang ng init sa buong mukha ko pagkasabi niyon.

“Okay,” sabi lang niya, hindi man lang nagpakipot.



“HINDI ba kawawa si James Bond sa labas?” tanong ko kay Ciel na saglit tinapunan ng tingin habang naghahanap ako sa closet ng shorts at T-shirt na puwede niyang ipamalit sa basa niyang suot. Nasa loob na kami ng kuwarto ko. Nakaupo siya sa swivel chair kaharap ang iMac computer at mga nakakalat na manga books at pencils sa ibabaw ng table ko.

“James Bond?” aniya habang binubuklat-buklat ang isa sa mga manga—manga na akda ni Junji Ito.

“'Yong sasakyan mo,” sagot ko, saka muling ibinalik ang tingin sa loob ng closet.

“Binigyan mo ng pangalan 'yong sasakyan?” hindi makapaniwalang tanong niya na tila may naglalaro na namang ngiti sa mga labi.

“Er… yeah? Ang pogi, eh. Sayo 'yon?” curious na tanong ko.

“Nah, hiniram ko lang.”

“Ah,” ang sabi ko na lang at mukhang wala naman siyang planong dugtungan pa iyon. Kinuha ko iyong towel sa loob ng closet at inihagis iyon sa kanya. Walang kahirap-hirap namang nasalo niya iyon. “Mauna ka nang maligo. Naro’n ang banyo,” nguso ko sa isang direksiyon.

“Yeah, thanks,” tugon niya. “Saka huwag kang mag-alala kay James Bond, okay lang siya do’n.”

Nilingon ko siya. “Okay. Um, ihahanapan muna kita ng pamalit habang naliligo ka kaya… uh, wait, wha—what are you doing?”

Tumayo siya mula sa swivel chair at iniwan doon iyong tuwalyang pinahiram ko sa kanya. Pagkatapos ay walang sereseremonyas na hinubad ang suot na T-shirt. Nalaglag ang panga ko kasabay ng marahas na pagsinghap nang tumambad sa paningin ko ang itim niyang bra! Ibinagsak niya ang kahuhubad na damit sa upuan at sunod namang ibinaba iyong zipper ng pantalon niya at walang pakialam na hinaltak iyon pababa. Pagkahubad doon ay ibinagsak din niya iyon kung saan nakapuwesto iyong damit. Halos mapatili ako nang bra at panty na lang ang suot niya!

Susmaryusep! Bakit siya nagbuburles sa harapan ko?

No’ng akmang huhubarin na rin niya iyong suot na bra, doon na ako kumilos. “S—sandali!” piyok ko bago pa niya tuluyang makalas ang hook ng bra. Nanuyo bigla ang lalamunan ko at kasalanan iyon ng hubaderang ito!

“What?” aniya, nakataas ang kaliwang kilay, halatang naistorbo sa pagbuburles.

“B-bakit ka naghuhubad dito?” naeeskandalong tanong ko na may kasama pang padyak sa sahig.

“Dahil maliligo ako?” sagot niya, na parang ang bobo ko para itanong pa iyon.

“Puwes, doon sa loob ng banyo mo gawin 'yan! Huwag dito!” Oo at pareho kaming babae, walang malisya. Pero hello? Naiilang kaya ako nang sobra! Nagtitilian iyong mga hormones ko sa hindi malamang dahilan habang pinapanood ko siyang magtanggal ng mga saplot sa katawan. At ang tinamaan ng magaling, feel na feel pa ang pagbuburles na akala mo ay medyas lang ang hinuhubad habang nakaharap ako sa kanya.

“Ah, sorry,” kulang sa sincerity na sabi niya. “Nasanay kasi akong wala nang suot na damit kapag pumapasok sa banyo para maligo.”

Akmang sasagutin ko siya nang nakamamatay na irap nang biglang gumuhit sa labas ng bintana ang matalim na kidlat. Napahindik ako sa kinatatayuan ko.

“Okay ka lang, Miya?” tanong niya matapos damputin iyong towel at isampay iyon sa balikat niya. “Namumutla ka.”

“Okay lang ako, 'no. Rosy cheeks lang talaga ako. Saka huwag mo akong tawaging ‘Miya’ dahil hindi naman tayo close,” pagtataray ko sa kanya. Yeah, right. Tapos ako, kung makatawag sa pangalan niya kanina ay with matching feelings at ulan pa. Aba, syempre naman cute ako, eh. “It’s ‘Miyonette’ for you.”

“Miyonette…” mahinang bigkas niya—na tila isang mangingibig na sumusuyo, kasabay ng muling pagtitig sa aking mga mata suot lamang ang itim niyang bra at panty.

Bigla-bigla ay naisipang magpapansin ng puso ko at tila kinilig pa yata.

Oh, my gosh… que horror!

Tatalikod na lang sana ako nang dumagundong ang kulog sa buong kalangitan. Parang palaka na bigla akong napatalon sa tabi ni Ciel at napahawak sa braso niya. Pero mabilis ko rin iyong binitiwan nang ma-realize ang inakto ko. “N-nagulat lang ako. T-tao lang na cute, nagkakamali. Sorry.”

“Sigurado ka?”

“O-oo naman. Maligo ka na at kanina ka pa naka-bold diyan.” Subalit hindi pa man siya nakakatalikod ay muli na namang dumagundong ang nakayayanig na kulog sa buong kalangitan, kasunod niyon ay ang matalim na pagguhit ng kidlat. Sa sobrang hilakbot ko ay ako na mismo ang nangunyapit sa leeg ni Ciel at sumiksik sa lalamunan niya. Ang masaklap pa, biglang nag-brownout. Napatili na ako sa takot.

Subalit bago pa man iyon tuluyang mauwi sa iyak, may mga brasong yumakap sa akin at nagbigay proteksiyon laban sa kinatatakutan ko.

“Hush, Miyonette… huwag kang matakot,” masuyong bulong niya sa kaliwang tainga ko habang yakap-yakap ako suot lamang ang itim niyang bra at panty. “I’m here. Hindi kita iiwan…”

°°°

Ciel LobregatWhere stories live. Discover now