Chapter Six - DREAMS

15 0 0
                                    

            "Uhm, Ella meron ka bang hindi sinasabi sa amin?" tanong ni Tita Mabelle, isang gabi habang kumakain sila ng hapunan. Muntikan pa ngang mabilaukan si Ella. Hindi pa kasi niya sinasabi ang tungkol sa play.

"Ano po iyon?" tanong ni Ella.

"Ate Ella, wag mo ng itago." sabat ni Rio na nakangisi. "Alam na namin."

"Ang alin?" kinakabahang tanong ni Ella.

"Excited na akong mapanood iyon." Excited na sambit ni Tito Michael. "Lalo na kung ikaw ang bida!"

"P- paano niyo nalaman?" Ang totoo niyang walang balak si Ella sabihin ang tungkol sa play. Nakakahiya dahil nalaman pa ata ito sa iba.

"Sinabi sa amin ni Annie," tugon ni Tita Mabelle. "Nagtataka nga siya dahil hindi pa namin alam."

"Manonood kami!" sambit ni Rio.

"T-talaga?" tanong uli ni Ella na hindi makapaniwala. "Wala na atang ticket."

"Ito o!" Ipinakita ni Tito Michael ang apat na ticket ng Cinderella. "May sobra pa kaming isa!"

"saan niyo nakuha yan?"

"May nagso solicit eh. Tingnan mo nandito ang pangalan mo sa cast, ikaw si Cinderella!" excited na explanasyon ni Tito Michael.

"At gaganapin sa Spring theatre." ani naman ni Tita Mabelle.

"Ang sosyal!" si Rio. "Ibig sabihin maraming manonood! Ang buong Spring Trail!"

Nang mga sandaling iyon ay gustong matunaw ni Ella sa kinauupuan. Hindi niya kayang umarte sa harap ng madaming tao. "H- hindi ko kaya..." nasambit niya.

"Of course, kaya mo yan!" tugon ni Tita Mabelle.

"Hindi ko alam kung bakit ako ang napili, ni wala man lang akong experience. Hindi rin ako mahilig umarte." mangiyak ngiyak na si Ella.

"May tiwala sila sayo kaya ikaw ang napili nila, anak." sabi naman ni Tito Michael.

"Bakit? Cinderella lang ang pangalan ko. I'm fake." frustrated na angas ni Ella. "Hindi ako ang tunay-"

"Ella, stop saying that. The more na sinasabi mo yan, the more na hihina ang loob mo. I know you're tough." si Tita Mabelle. Tumayo ito at hinimas himas ang buhok niya. "Isipin mo na lang na you're doing this for the orphans. They need inspiration with you." Sa isang iglap ay sumagi sa isipan ni Ella ang inosenteng mukha ni Mary Elizabeth pati na din ang inosente nitong pangarap sa buhay, ayaw niyang sirain iyon.

"I'm sorry, kinakabahan lang ako." nakangiti na niyang tugon.

"Okay lang iyon Ate Ella, imagine mo ba naman ang dami ng tao na manonood, dapat galingan mo."

"Wag kang magalala, ichi cheer ka namin!" dugtong naman ni Tito Michael at tulad ng dati ay napabuntong hininga na naman si Ella.

"Ella pasama naman sa mall." nakasimangot na imbita ni Alicia. "Mau inutos sa akin si Mama eh. Grocery. Alam kong mahilig kang mag shopping."

"Di pwede busy ako." tugon ni Ella. Nagre review ito sa library.

"Sige na, wala naman practice sa play eh." untag nito, hindi naman kasi ito mahilig sa shopping.Hindi tulad ni Ella na sa tuwing sumasahod ay tumutungo sa mall. At dahil sa play ay nawalan na siya ng oras para sa shopping.

Cinderella Shaine IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon