Chapter One - HEART BROKEN

402 1 0
                                    

         Once upon a time... sa isang malawak na gymnasium ng Sacred Heart of jesus University kung saan halos dalawang oras nang nagle-lecture si Ms. Arena, ang P.E. 3 professor ng klaseng iyon ay naroon si 'Ella" short for Cinderella. Nakapangalumbaba siya at nanatiling tulala. Katabi niya sa bleachersna iyon sina Trisha at Annie, ang matalik niyang mga kaibigan.Kasalukuyang busy ang mga ito sa pagte-take down notes tungkol s anile-lecture ni Ms. Arena na tungkol sa kasaysayan ng badminton. "Cinderella Shaine?" Hindi umimik si Ella, malalim pa rin ang iniisip. Second year college na siya sa kursong Business management. Seventeen years old, kulay kapeng mga mata, 5'4 ang taas, makinis at morena ang balt. At kulot na ang upper layer ng buhok nito pero di naman natatakpan ang tuwid nitong buhok na ngayon ay hanggang balikat pa rin niya. "Cinderella Shaine!" tawag uli ni Ms. Arena na mas malakas na ngayon. Tila naming nagising si Ella sa pagiisip.

          "Ma'am?" napansin ni Ella na nakatingin na sa kanya ang buong klase kahit ang dalawa niyang kaibigan na pinapagitnaan siya. "Bakit po?"

          "Are you with us?" tanong nito at tulad ng dati nagngitian ang buong klase. Tumikhim muna si Ella.

          "Pasesnya nap o.", Napahiyang sagot niya. "Hindi na mauulit." Napabuntong hininga siya. It started last night nang tumawag sa kanya si trisha. Mula nang sabiin sa kanya ang isang magandang balita kuno, ay din a niya napigilan ang sarili sa pagiisip.

          "Ella, may good news ako sayo!!" excited na simula ni Trisha nang sagutin niya ang telepono. Kararating niya lang galing sa trabaho sa Catherine Cafeteria at pagod na talaga siya.

          "Ano iyon?" tinatamad na tanong ni Ella.

          "Si Justin siguradong lulubayan ka na." Napalunok bigla si Ella. "Know why?", di umimik si Ella. "Kanina nakita ko siya kasama ang isang BABAE sa mall. Holding hands at naglalambingan. Tapos nang Makita niya ako, pinakilala niya ako sa kasama niyang MAGANDANG babae. Shienna yungpangalan ng babae. Grabe, parang model!" Ang mga sinabi ni Trsiha ay parang nag-slow down sa isip ni Ella. Matagal bago niya na-analyze na hindi iyon good news. Dalawang lingo ng nakararaan mula nang sabihin niya ang mga katagang: 'Makinig ka sa akin. Dapat mong bigyang pansin ang iba pang mga bagay bukod sa akin. I am not your responsibility. Justin, kayak o ang sarili ko. You don't have to do all of this.' At mula noon ay din a sila nagusap. hindi na rin niya ginagamit ang cellphone na binigay nito. Hindi niya ito boyfriend pero higit pa dito ang pinapakita nito. Attracted siya dito pero alam niya sa kanyang sarili na hindi na pwede dahil may iba na siyang commitment. Commitment na hindi niya hahayaang mawala. Si Tristan.

          "Eh di maganda!" sagot ni Ella na pinasigla ang tinig. "At least, may pagtutuunan na siya ng pansin." dagdag pa niya.

          "Uhm, Ella are you sure? Justin was a good catch. Gwapo, mayaman, macho, matalino. Bulag ka ba?'

          "I love Trsitan." malumanay na tugon ni Ella.

          "Okey", ani Trisha. "So hindi ka apektado?"

          "Of course not!" sagot agad ni Ella. "Sige a, gagawa pa ako ng assignments eh."

          'May assignments ba tayo? Wala naman ah!"

          "I mean, magaaral pa ako. Sige, bye!" At mabilis na binaa ni Ella ang telepono.

          "Ella, okey ka lang?" tanong ni Annie, kasalukuyang kumakain ang tatlo sa isang fast food chain.

          "I'm fine." wala sa loob na sagot ni Ella.

          Oh my God! May kinalaman bay an sa sinabi ko kagabi?" si Trisha. Umiling si Ella.

Cinderella Shaine IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon