Hysterical Outbreak: Round Four Results

287 13 14
                                    

Maaliwalas na hapon sa lahat!

Isang malaking pasasalamat ang ipinapaabot ng patimpalak na ito, sa mga huradong nagbigay ng kanilang oras at kumento sa bawat akdang kinabaliwang buuin ng mga kasali rito. Isa na namang matagumpay na round ang natapos, at iyon ay naging posible lalo pa't nilaanan ito ng mga huradong aming napili. Sila ay huwag kalimutang pasalamatan, lalo na ang mga kumentong kanilang iniwan upang kayo ay may maiuwi at matutunan. MsButterfly, missflimsy, hunnydew, altheadelarama, cursingfaeri at justineGeez, muli, taos puso kaming nagpapasalamat, isang malaking karangalan ang pagiging bahagi ninyo sa patimpalak na ito.

At s'yempre, makakalimutan ba naman naming batiin ang lahat? Halina't bigyan ang sarili ng tatlong bagsak. Congratulations, subjects! Binabati namin kayo lalo pa't nagawa ninyong lampasan ang apat ng round kasama na 'to. Sino ba ang nakapagsabing makakaligtas kayo hanggang dito matapos duguin, atakihin, mawalan ng pag-asa, maligaw sa lugar ng pantasya at higit sa lahat, ang maiyak sa kaiisip kung papaano at saan maghahanap ng sangkap sa pagpapatawa. Malayong malayo na ang inyong narating, doon pa lang, dapat na kayo ay aming batiin.

Sa labing isang nagpasa, dalawa kada team ang makaliligtas, sabay-sabay nating isigaw ang mga pangalan nila kasabay ang pagbibigay ng ating suporta, dahil sila... oo, sila, ang siyang maglalaban-laban sa huling round. Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa, halina't kilalanin na natin sila.

TEAM PERTURBATION

Cure #1: Ang Istoryang Walang Titulo by youniqueen 87 | Rank 1

Cure #3: El Ow El by yumi_aya 83.17 | Rank 2

TEAM PERFECTION

Cure #1: Blog Entry No. 8 by TECHKILLA 91.5 | Rank 1

Cure #2: Ang Lalaking Walang Kilay by Sektha 84.67 | Rank 2

TEAM SEDUCTION

Cure #2: Trap by TheGreatPrerender04 84.67 | Rank 1

Cure #1: Pinatuyong Kaliskis by Kyrian18 82.83 | Rank 2

Congratulations ulit! Sa ngayon, maaari na kayong huminga dahil bibigyan muna namin kayo ng tatlong araw upang makapagpahinga. Matapos no'n, magkita-kita tayo sa finale. Ito na 'yon, kaya... Good luck!

Sa mga hindi pinalad, huwag magdamdam. Isipin na lamang na hindi pa talaga ito ang pagkakataon n'yo. Gayonpaman, binabati pa rin namin kayo, kasabay pa nito ang aming pasasalamat dahil binigyan ninyo kami ng pagkakataon na makasama kayo hanggang ngayon. Muli, maraming salamat.

Cure #2: Defying Normalcy by MoonlightMaester 77.33 | Rank 3 (TEAM PERTURBATION)

Cure #4: Field Training Fail by ClareFontana 76.33 | Rank 4 (TEAM PERTURBATION)

Cure #3: Real Victim by Maimaying 77 | Rank 3 (TEAM PERFECTION)

Cure #3: Magdalena by RHMDeLeon 80 | Rank 3 (TEAM SEDUCTION)

Cure #4: Patty, Ang Tindera ng Turon by Alexandrea29 79.50 | Rank 4 (TEAM SEDUCTION)

Nangangamoy finale na, kaya, abangan...

-Team Baliw.

~

11/22/15

LITERARY OUTBREAK: Survive or Die One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon