TOS 02

131 7 7
                                    

Dylan Point of View

Napakaingay at napakaraming mga tao, sumasabay sa bawat pagtugtog ng musika. Napakasaya nilang lahat. Ang mga iba’t ibang kulay ng ilaw na kumakawala sa bawat sulok, masisilaw ka kung ang iyong mga mata ay tatama dito. Lahat sila nais kang isayaw. Sa bawat taong nabubunggo ko, walang pakialam basta sila’y masayang iniindayog ang kanilang sarili sa tugtog ng musika.

Nag-aalab ang aking sarili, natatakam ako, nauuhaw sa kanilang mga dugo. Gusto ko na silang biktimahin ngunit hindi maari, siguradong magkakagulo. Sino kaya ang maswerteng taong makakaranas ng alab ng aking bagsik? Hindi na ako makapaghintay pa.

Umupo ako, at nagpakuha ng maiinom na alak. Abala kong minamasdan ang mga magagandang binibini sa aking harapan na nagsasayawan sa tugtog ng musika habang hinihintay ko ang aking inumin. Sa tuwing sila’y aking tinitignan ako ay naaakit, gusto ko na silang sunggaban, halayin, kunin ang kanilang dugo. Tatayo na ako nang dumating na ang alak na maiinom ko, nakakainis pero mabuti na rin yun para kahit papaano ay tumagal pa ang kanilang buhay.

Habang ako’y umiinom nakalanghap ako ng isang usok ng sigarilyo malapit sa akin. Tinignan ko ito at isang babae ang tumambad sa aking harapan. Humarap siya sa akin at binigyan niya ako ng isang malupit na ngiti na para bang may gusto siya sa akin. Magaling, siya ang una kong biktima sa gabing ito

Hinayaan ko siyang lumapit sa akin, hanggang sa tuluyan siya ay nasa aking harapan na. Magkaharap kaming dalawa habang siya ay nakatayo at ako naman ay nakaupo. Nakasubo ang kanyang sigarilyo sa kanyang bibig at kinuha niya ito para bigyan niya ako ng tikim. Humithit ako at nagpakawala ng usok galing sa aking ilong at bibig.

Kinuha niya ang sigarilyo at ipinatong sa mesa. Isinara niya ang dalawa niyang kamay sa aking likod na para bang ako ay kanyang yakap yakap.  Inilapit niya ang kanyang ulo papunta sa aking leeg, at unti unti ay nararamdaman ko ang kanyang paghinga.

Pa unti unti ay ako ay kanya ng hinahalikan sa aking leeg hanggang sa ang kanyang bibig ay napunta na sa aking tenga, kinagat niya ito ng mahina at ako ay kanyang binulungan. Sa ginawa niyang iyon ay ako ay napangiti, Hindi niya alam, ako ang hindi pa makapag hintay para siya ay paglaruan ngayong gabing ito.

Habang abala siya sa paglalaro sa aking leeg na kanyang hinahalik halikan, inilagay ko naman ang aking kamay sa kanyang likuran. Pahaplos ko siyang dinadama pataas hanggang sa mapunta ito sa kanyang ibaba. Narinig ko siyang  napaungol sa ginawa ko kaya naman napangiti ako.

Pinahinto ko siya sa kanyang ginagawa at siya ay nagtaka, binigyan ko siya ng isang ngiti at naintindihan niya ang aking ibig. HInawakan ko ang kanyang kamay papunta sa labas, nais kong sa isang madilim na lugar ko gawin ang aking balak ng sa gayun ay walang makakaalam.

Habang papalakad ako, napansin kong andito din pala ang aking mga kasama, naghahanap din ng mabibiktima alam kong sila na ay uhaw na dahil sa dami ng taong kanilang nakikita. Sa mga sulok ay napansin ko ding may mga naghahalikan, nais ko sanang gawin din yun ngunit mas maganda kong tahimik at madilim ang paligid para naman makakilos ng maayos.

Nakalabas na kaming dalawa at isinakay ko na siya sa aking kotse. Bago kami umalis ay nagbigay muna kaming dalawa sa isa’t isa ng halik. Pagkatapos nun, sinimulhan ko ng paandarin ang sasakyan. Habang ako ay nagmamaneho, ang mga daliri niya ay inilagay sa aking balikat na para bang inilalakad papunta sa aking tenga, pababa papunta sa aking kamay na nakalagay sa manibela.

Inihinto ko na ang sasakyan, nandito kami ngayon sa isang madilim na sulok ng isang parke. Tahimik na, at wala ng katao-tao. Tinignan ko siya at nginitian, napansin ko din na siya ay hindi na din makapaghintay pa, napakagat siya sa kanyang labi.Lumabis na kaming dalawa at dumiretso sa isa pang madilim na parte yung medyo malayo sa mga ilaw sa daan. Tumigil na ako sa isang puno, at agad ko na siyang sinunggaban.

Ang mga halik niya napakadiin, masasabi kong ang isang babae na ito ay agresibo sa mga lalaki. Di bale na, ang habol ko naman sa kanya ang kanyang dugo. Patuloy niya akong hinahalik halikan, sumandal ako sa puno, inihuhubad niya ang aking dyaket. Muli, ay hinalikan niya ako, papunta sa aking leeg.

Di na ako makapaghintay, ang mga kuko ko, inilabas ko na ang matutulis kong kuko. HInawakan ko siya sa kanyang magkabilang balikat at idiniin ko ang pagkakahawak ko dito. Pinunit ko ang kanyang damit. Naririnig ko na siya ay nasasaktan na sa aking ginagawa pero wala akong pake dahil sa gusto ko itong aking ginagawa.

Iniyakap ko siya at idinikit sa aking bisig. Dahil sa kanina pa ako hindi makapaghintay at uhaw na uhaw na sa dugo ng babaeng nasa harapan ko. Ang mga kamay ko ang aking mga kuko, napadiin ako sa kanyang likod at unti unti ko nasisira ang kanyang damit. Nabibigyan ko na din siya ng mga galos, dahilan nun na tuluyan ko ng naamoy ang kanyang sariwang dugo.

Alam kong nasasaktan na siya sa aking ginagawa kaya naman pilit siyang kumakawala sa aking pagkakayakap. Pero, gayunpaman hindi ko siya pinapakawalan. Patuloy lang ako sa aking pagsira sa kanyang dami. Nagiging agresibo ako habang tumatagal.

Sumigaw siya ng malakas para humingi ng tulong pero hindi ko siya hinayaan na gawin iyon. Sinipa niya ako sa aking ibaba, para mapakawalan siya. Tumakbo siya, pero hindi ko hinayaan na makaalis siya. Kahit medyo malakas ang kanyang pagkakasipa, tumayo ako at hinabol siya. Hindi niya alam sa ginawa niyang iyon, hindi na siya makakalis pa. Lingon siya ng lingon sa akin habang siya ay tumatakbo papalayo.

Binilisan ko ang aking paghabol. Hindi niya inaasahan na sa kanyang pagharap sa kanyang dinadaanan ay nasa harapan na niya ako. Gulat, ang reaksyon niya ng makita niya ako sa kanyang harapan. Sumigaw siya at hinawakan ko siya sa kanyang balikat . Nagulat siya nang makita ang aking mga pangil.

Kinagat ko ang kanyang leeg at unti unting hinihigop ang kanyang mga dugo, nararamdaman kong unti unti siyang nanghihina at may sinasambit ngunit hindi ko yun iniintindi basta ako’y abala sa aking ginagawa. Nang alam ko ng wala na siyang buhay binitawan ko na at hinayaan ko siyang nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Napaka gandang babae, alam kong maraming lalaking magkakagusto sa kanya. Ngunit ang ugali niya ay hindi maganda dahil sa napaka agresibo niya, ang gusto niya gusto niyang nakukuha. Nang dahil sa ugali niyang iyan, hindi niya alam na yun pa ang magdadala sa kanya sa kapahamakan.

Kawawang babae, sayang siya ngunit para sa akin ang swerte ko sa kanya dahil sa bukod sa pinukaw niya ang aking pagkauhaw sa dugo ay binigyan niya pa ako ng labis na saya. Ngunit sa mga iyon hindi niya alam na yun na ang huli niyang sandali.

Naglakad na ako, patungo sa aking sasakyan. Binuksan ko ang pinto at isinara na ito, pinaandar ko ang aking sasakyan at umalis na sa lugar na ito. Mahirap na at baka may tao pang makakita at magsumbong. Tss…magsumbong? Hay, oo nga pala. Hindi ako ordinaryong tao.

Bampira ako at kung sino man ang taong yun pwede ko siyang patayin kahit na anong segundo pwede ko yung gawin. Nakakatawa dahil sa naisip ko ang kalokohang iyon.Pinaandar ko na ang aking sasakyan at umalis na ako sa lugar na ito.

Heto ako, at ito ang aking katauhan. Sa gabi sa ilalim ng bilog na buwan ito ang nagiging kaganapan. Ako at ang aking mga kasama, ito ang aming gawain ang kumalat at maghanap ng mabibiktima para mapukaw ang aming pagkagutom, ang pagkauhaw sa dugo ng mga tao.

Sa umaga kami ay nakikisalamuha sa mga tao na parang isang mortal kagaya nila. Ngunit ang tunay ay sa aming ginagawa naghahanap lang kami ng mabibiktima at sa gabi ay kami ay gagawa ng isang hakbang para puntahan ang taong nais naming mabiktima.

The Other Side  【Slow Update】Where stories live. Discover now