TOS 06

113 7 7
                                    

Pinatulog ng misteryosong lalaki si Sam dahil sa ayaw niyang masaksihan ang mga susunod na mangyayari. Mabilis na isinandal niya si Sam sa isang puno. At agad na hinarap ang halimaw. Naghilom ang sugat nito sa likuran nang tamaan siya kanina, dahil sa kauri niya rin ito. Nang makita ng halimaw ang itsura ng misteryosong lalaki ay nagulat ito. Napapaatras ito habang papalapit naman ito sa kanya.

“I-ikaw?”

Patuloy pa rin sa pag atras ang halimaw, nakaisip siya ng paraan para iwasan ang misteryosong lalaki. Natatakot siya sa maaring gawin nito sa kanya. Tumakbo ito pero agad naman siyang naabutan. Itinaas ng misteryosong lalaki ang kanyang kamay para tamaan ang leeg ng halimaw na siyang paraan para maputol ang ulo nito. Gamit ng matutulis niyang kuko ay naputol ang ulo ng halimaw.

Nagkaroon ng bahid ng dugo ang kanyang kuko at pumapatak ito sa kalsada. Nang maputol ang ulo ng halimaw ay agad itong nasunog at tanging abo lang ang natira. Nilapitan na ng misteryosong lalaki si Sam at binuhat niya na ito. Habang nasa kalsada sila at buhat buhat ng misteryosong lalaki si Sam ay naimulat niya ang mata nito pero hindi niya maaninag ang mukha nang lalaking nagligtas sa kanya.

Nahihlo pa rin siya at wala na siyang iba pang nagawa kundi mawalan na ng malay. Nakarating na sila sa bahay nila Sam, buhat niya pa rin ito. Ayaw ng misteryosong lalaki na may makakita sa kanya kaya nag isip siya ng paraan kung paano niya maipapasok si Sam ng walang nakakapansin. Napansin niyang hindi pa nakasara ang isang bintana ni Sam kaya naman naisip niyang duon nalang siya dumaan. Nang makapasok siya ay dahan dahan niyang inihiga si Sam sa kama nito.

Wala siyang ginawang ingay para magdulot ng pansin na may nakapasok sa kwarto bukod kay Sam. Bago umalis ang misteryosong lalaki ay lumapit muna siya sa mukha ni Sam at marahan niyang hinaplosan ito. Matapos iyon ay umalis na ang misteryosong lalaking nagligtas kay Sam hindi niya alam ay may naiwan pala siyang bakas at ito ang dugong nakuha niya sa halimaw at naipahid ito sa damit ni Sam.

**

Minulat ko ang aking mga mata, pakiramdam ko nanghihina ako. Hindi pala ako nakakain kagabi. Ang alam ko lang nagpaalam ako kay Mama para pumunta sa dati naming bahay, tapos pumunta ako sa dati naming pinupuntahan ni Kuya. May nakikilala pa nga akong isang lalaki, ano na nga ulit ang pangalan niya? Dylan, yata iyon? Tama. Pagkatapos hindi kami nagkausap dahil sa gagabihin na ako ng uwi. Isang liko ko nalang no’n ay andito na ako pero bago nun ay…teka ang sakit talaga ng ulo ko lalo na ang batok ko. Ano ito? Napansin kong may bahid ng dugo sa damit ko, at duon ko naalala ang nangyari sa akin kagabi.

Tama, pauwi na ako nang may isang lalaki ang nakaabang sa akin sa may poste ng ilaw. At…agrh, ang ulo ko…huh! Nanginginig ang aking mga kamay dahil sa alam ko na ang itsura nang lalaking nakaabang sa akin ng mga oras na iyon. Ang mukha niya…napahawak ako sa aking mukha at naalala kong kung may galos ba akong natamo, kinapa ko ang parte kong katawan.

Ang alam ko ay aatakihin na niya ako, at ang alam ko ay may sugat akong natamo. Pero wala, wala akong sugat. Teka…tama! Siya, sino siya? Siya ang nagligtas sa akin. Ngunit hindi ko man lang alam kung sino at ano ang itsura niya. Napapaisip pa ako lalo. Naalala kong buhat niya ako, alam kong nakita ko siya ang itsura niya pero malabo ito. Kung buhat niya ako? Anong nangyari sa halimaw na nakita ko.

Oo, halimaw siya meron siyang matutulis na kuko, mapupulang mata, mala patusok na tenga, matangos na ilong, mabalahibong mukha at higit sa lahat, pangil. Pangil? Hindi kaya…isa siyang bampira? Pero ang mga bampira, isa lamang itong mga katha. At walang patunay na totoo sila. Pero ano iyong nakita ko? At higit sa lahat kung tunay ngang halimaw o bampira iyong nakita ko? Papaano niya natalo ang isang klaseng ganung nilalang? Lalo tuloy akong napapaisip.

**

Malalim pa ring nag iisip at unti unting pinag dudugtong ang mga pangyayaring naganap sa kanya. Pagka labas niya sa kwarto ay nakaabang sa kanya ang kanyang Mama. Tinanong siya kung anong oras ito nakauwi, hindi niya alam ang kanyang isasagot dahil sa wala din siyang kaalam alam kung papaano siya naka pasok ng bahay nila. Nag isip siya ng idadahilan niya iyong alam niyang maniniwala ang Mama niya.

The Other Side  【Slow Update】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon