Kabanata 11

5 0 0
                                    


Kabanata 11





Lia's POV



Maaga akong nagising, 5:30 pa lang ng umaga gising na ko kahit na pwede na kahit anong oras ako pimasok, nakapag-almusal na din ako. Nandito ako sa garden at nagsisimula sa proposal na gagawin ko. Mag-7:30 am pa lang.




Nagta-type ako sa laptop nang bigla akong kinalabit ni Kris "goodmorning babe!" he kissed my cheeks "goodmorning" I said and patted his head "kumain ka na Lia?" I nodded to Karl "sige kain na muna kami, hey Kris, kain na muna" sumunod si Kris at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.




"Fly high, ride Sky?" I asked myself, nag-iisip kasi ako ng tagline ng airline, natawa ako pero nagustuhan ko 'yon.




Isinave ko yun at nagbihis na ko dahil nakaligo naman na ko, I decided to wear a high waisted jeans and a black turtleneck crop top, I grabbed my new Louboutins and my sling bag.




I also put a matte red lipstick and nagpaalam na aalis, I went to my car and drove off. Pumasok ako sa office ko at itinuloy ang proposal, matagal kong pinag-isipan ito bago ko ituloy ang proposal na 'to, and I really put my efforts here, humingi pa ako ng advice.




May kumatok at pumasok, it was Jared "tara na?" I looked at my wrist watch, 10:30 na pala, "ah wait, take a seat muna" he nodded at umupo sa couch, inayos ko yung mga ginagawa ko at yung mga folders at laptop ko ay inilagay ko sa volt dito sa office ko, nagpalit na din ako ng Stan Smith sneakers dahil ayoko mag-heels papunta sa sight.




"naks, presko ng suot!" sabi ni Jared, tumawa nalang ako ng mahina, kinuha ko na yung phone ko at bag saka kami lumabas pareho.




"ingat!" pahabol ni Amanda, bago pa kami sumakay sa elevator. Pagdating sa lobby ay nakaabang ang isang Mercedes Benz, "walang company car?" I asked "mang-aabala ka nanaman, ako nalang" I just shrugged my shoulders at pumasok na




Habang nasa byahe kami na medyo traffic nagha-hum ng song si Jared "manila, manila, I keep coming back to manila" natatawang kong pagsabay sa kanta "wala na, pumangit na yung kanta"




"tangina mo" tumawa siya at nag-park na, inuna muna namin yung bar na unti-unti ko ng nakikita ang body structure, "mga 3-7 weeks pa daw bago matapos lahat, mabilis sila gumawa, sinusunod nila yung sa kontrata" sabi ni Jared habang gina-guide ako sa lugar. Nakarating kami sa likod nung bar, may garden don, at natatapos na, nagtatanim na sila ng bermuda.




Umupo muna kami sa may wooden swing "parang masarap ang ihaw-ihaw" sabay pa kaming nagsalita ni Jared "gaya-gaya!" sabi ko at nagtawanan kami.




Nag-stay pa kami don, "Lia.." he suddenly called my name "hmmm?"




"bat hindi mo sinabi sakin na may sakit ka?" nanigas ako sa sinabi nya, lumunok muna ako bago sumagot "natakot ako..." tumingin ako sa kanya para tignan ang ekspresyon nya pero hindi ko makita dahil naka-shades sya, "natakot ka na iiwan kita?" I nodded "at saka nung mga panahon na yon 15 percent nalang ang pag-asa ko na mabuhay, kaya sinulit ko na"




"you should have told me" he whispered, "wala eh, nangyari na" pasimple kong pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng mata ko "tara na sa isang site" sabi ko at nauna na umalis, hinintay ko nalang sya sa may sasakyan nya.




Kahit naman sabihin ko sayo Jared, masasaktan at masasaktan pa rin tayo noon.




**



Jared's POV




Nililingon ko si Lia na payapang natutulog, hinapon na kasi kami sa site, gabi na din ngayon dahil madami kaming pinag-usapan sa hotel dahil nagkaron ng kaunting problema.




Huminto muna ako sa isang restaurant "Lia.. Lia wake up, kumain na muna tayo ng dinner" tinatapik ko ang mukha nya, ito talaga, basta nasa kotse mabilis nakakatulog. Antukin talaga. Napailing nalang ako at tinapik-tapik ulit sya hanggang sa magising na.




"dinner na muna" nag-inat lang sya, dahilan para tumaas ang damit nya, napaiwas nalang ako ng tingin, "tara na?" tumango ako at bumaba kami pareho. Pumasok na kami and we ordered lasagna, carbonara and pizza, "alam mo, sa New York, mainstream ito don, lalo na yung pizza" pagkwe-kwento nya habang iniikot sa tinidor nya yung pasta




Oo alam ko 'yon Lia, sinundan nga kita sa New York eh. Matagal ko syang binabantayan at tinitignan sa malayo. Tuwing summer, sembreak, o basta may oras, lumilipad ako papunta sa New York, "huy! Hindi ka nakinig sa joke ko eh!"




"ay sorry! Ano ba yon?" ngumiti siya "anong sopas ang may pelikula?" tanong nya "ano?"




"SOPAS AND THE FURIOUS!" sabi ni Lia at tumawa siya, pati yung mga kalapit naming table ay natawa din "eh kilala mo ba tatay ni mighty bond?" tanong ko "si james bond, sus korni mo naman" sabi nya at kumain.




Napakamot ako sa ulo ko "wag na ngang mag-joke, leche" she giggled, habang nagkwe-kwentuhan kami ay naubos na pala namin yung family size na pizza, pati yung lasagna at carbonara "oh god, napadami kain ko, hirap nanaman nito sa gym" she whispered to herself pero nadinig ko "san ka pala nag-g-gym?"




"yung malapit sa office" napatango ako "dun din kami nila Louis eh, MWF sched namin" sabi ko "ah ako, depende sa oras eh, baka bukas after office hours mag-gym ako" I nodded




Hiningi ko na yung bill, nung dumating kukuha na sana ng pera si Lia pero nag-abot agad ako "tara na?" I asked "wala ka ng sukli?" umiling ako "15 pesos nalang 'yon" napatango nalang sya at sumakay na sasakyan.




Habang nagmamaneho kami ay nagtatawanan pa rin kaming dalawa at kwentuhan "naalala ko nung 3rd year college, hinarass ako nung prof ko non, kingina pinaabangan ko sa labas yon eh" sabi ko, kasi hinipuan ako nun, bading kasi "oh?" she giggled "ano ginawa?" natatawang tanong nya sakin




"edi ayon, napatalsik sa St. Andrew, pogi ko eh" hinampas nya ako "kapal ng mukha grabe!" sabi nya at tumawa sya na parang hindi siya naco-consious, yung natural na sya.




Nakarating kami sa bahay nila "si Karl ba 'yon?" tanong ko sabay turo dun sa lalaking nakaupo sa garden "ah oo, gusto mo ba bumaba na muna?" tanong nya sakin "ah hindi na, saka pwede ba kita sunduin bukas papasok?" tumaas ang kilay nya "kasi diba nasa company yung kotse mo?" natawa siya ng mahina "sige, agahan mo, kailangan ako sa office ng 8:30" I nodded and lumabas na sya sa sasakyan ko.




Bumusina ako ng marahan saka ako nagmaneho paalis. Pagkarating ko sa bahay ay binati ako ni mama "seems like you are happy again"




"parati naman akong masaya ma" ngumiti sila ng nakakaloko "dahil ba yan kay tita Lia?" tanong ni Nikki sakin "who's tita Lia?" tanong ni Nick, nakakabatang kapatid ni Nikki, binuhat ko siya "tito's friend, naalala mo yung house na pinuntahan natin last week?" I asked "yung malaki? Yung may swimming pool?" tumango ako "siya po may-ari nun? Is she your girlfriend tito?"




Tumawa ako "sana nga.." bulong ko "NADINIG KO YON!" nagtatalon na sigaw ni Nikki at ate Jenna, "magsitigil nga kayo" suway ni papa sa kanila. "sus papa! Nung nandun nga tayo kila Lia mas mukhang anak mo pa siya kesa saamin!" kantyaw ni kuya Justine, "kumain ka na ba?"




"kumain kami ni Lia sa labas ma" umirit nanaman si Nikki "what? Anong masama don?" I asked "wala naman pero ang masama don may girlfriend ka" si Elle..




How can I forget her? "sige, aakyat na ko sa taas" pagpapaalam ko at umakyat sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko "tangina Jared, ayusin mo muna ang buhay mo bago mo ayusin ang mga bagay-bagay kay Lia"














Up-side DownWhere stories live. Discover now