Chapter 12

68 1 0
                                    

Lia's POV

"Lia, gising na, 5 am aalis na tayo, 4 na" nadidinig ko ang boses ni mama at tinatapik ang paa ko, "5 minutes ma, 5 minutes"

"hindi uubra sakin yan, come on baby bumangon kana" imbes na bumangon ay binalot ko ang sarili ko sa comforter, hmmm sarap matuloooog "Lia, nandyan na sila Jared" sabi ni mama, oh chocolate pool malapit na ako eto na, pero ano daw? Sila Jared nandito na?

Ah si Jared... WHAT?!

Agad ako napabangon, at tinawanan ako ni mama "yun lang pala ang katapat eh" napasandal ako sa headboard ko, tumingin ako sa baba ng kama ko and I saw Frost and Cotton "ma isama natin sila?" tanong ko sabay turo dun sa mga aso, tumango lang si mama "maligo kana, 5 aalis, Lia, paalala ko 5 aalis" tumango nalang ako, lumabas na si mama, hihiga na sana ako ng may nagtext sakin

From: Jared

Oppp, wag kana matulog, papunta na kami nila mama dyan

To: Jared

Papahiga pa lang eh! Oo na

From: Jared

Sige see you miss sunget :)

To: Jared

Okay.

Nilagay ko na sa side table yung cellphone ko at pumasok na sa banyo para maligo

***

Kakatapos ko lang magbihis nung may kumatok sa pinto ko "Lia, aalis na daw" sabi ni Kuya Luigi, kinuha ko yung suklay ko tas kinuha ko yung dalawang bag ko at lumabas, nagsusuklay ako habang pababa sa living room, nilagay ko sa sahig yung bag ko at nagmano kila tita Shiella at tito Paul.

Tinignan ko si Jared, nakakunot-noo siya sakin "bat ganyan yung suot mo?" he asked me, wala namang masama sa suot ko eh? Muscle tee, short at chucks "wala namang masama ah" sabi ko tapos pumunta ako sa dining para batiin ang pamilya ko

Inaya ko sila tita Shiella na kumain, dahil inutusan ako ni lola na ayain sila, tahimik kaming kumakain ng biglang magsalita si Jared "tito..." sabi niya kay papa

"sino ka para ligawan ang nag-iisang prinsesa ko?" bat ganon? Imbes na si Jared ang kabahan kay Papa, ako pa ang kinakabahan "Lia, gusto mo ba siya?" napansin ko ang paglunok ni Jared nung tinuro siya ni Papa, sila tito naman ay tinatawanan lamang siya, lalo na sila Kuya Justine at kuya Jiro.

"Pa, easy lang" sabi ko, "so Jared, seryoso ka ba sa apo ko?" tanong ni lolo "opo, kaya nga po ako nandito para magpaalam na kung pwede pong ligawan si Lia"

"pano kung hindi kami pumayag?" tanong ni kuya, "edi hihintayin ko po kung kelan kayo papayag" ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko, "wag nga kayo, ijo gusto mo ba talaga ang anak ko?" mama asked, Jared nodded "hindi ka namin pagbabawalan na ligawan si Lia, pero alam mo naman ang magiging limitasyon mo hindi ba?" tanong ni papa, "opo"

"and one more thing, wag na wag mong sasaktan ang pinsan ko, kapag ginawa mo yon? Wag ka ng magpapakita pa" and again, Jared nodded, pagkatapos ng usapan na iyon ay nag-aya na si lola na bumyahe, tatlong sasakyan kami, yung isa ay sila mama ang sakay, yung isa ay sila tito Paul, tas yung isa ay kami nila Chase, kuya Luigi at Jared, si kuya yung magmamaneho, kasama din namin yung si Frost at Cotton sa sasakyan.

Habang nasa byahe nilingon ko si Jared, nakikinig lang siya sa iTouch nya, si Chase naman na nasa shotgun seat kumakain ng Pringles, "kuya gusto mo ako na magdrive?" I asked kuya, "matulog ka na nga lang dyan" ang sungit, kainis. Nagjojoke lang naman ako eh.

"Lia, diba next week ka kukuha ng student's license?" tanong ni Chase "oo, samahan mo ko" tumango lang si Chase, nakarating na kami sa resort and damn tinatawag na ko ng dagat! "ma, pwede na ba ko magswimming?" tanong ko, "mamaya na Lia, ilagay mo muna yung gamit mo sa kwarto niyo ni kuya mo at Chase, good for 3 persons iyon" binigay ni mama sakin yung susi ng kwarto, tumango nalang ako at sumama kila kuya sa room namin

"kuya pwede ba magjetski? Hindi ko pa natra-try iyon" tanong ko "alam mo namang--"

"hindi papayag si mama? Kuya 17 na ko, pwede na siguro?" kumibit balikat si kuya "tanungin mo nalang mamaya, pasama ka kay Jared" sabi ni kuya, pumasok na ko sa cr para palitan yung muscle tee ko ng rashguard. Lumabas na ako at pumunta sa room nila mama

Kinatok ko yung pinto at pinagbuksan ako ni mama "ma, can I ride a jetski? Magpapasama ko kay Jared" mabilis kong sinabi, "okay, basta mag-ingat ha, tumawag ka ng staff dyan" napatango nalang ako, "sige ma, thanks" bumeso ako kay mama, at tinext si Jared

To: Jared

Jetski tayo! Dali!

From: Jared

San kaba?

To: Jared

Ako na pupunta dyan, anong room number mo?

From: Jared

5418, 4 rooms ang agwat

Pinuntahan ko yung room at kumatok, nakita ko na si Jared naka-rashguard din siya at shorts, agad ko siyang hinila papunta dun sa rentahan ng jetski, tinanong ko kung magkano tapos sinabi ko yung pangalan ni mama at papa tas pinasakay na nila kami "ako na magdra-drive, di ka sanay" sabi ni Jared "angas mo naman, patry kase" Jared sighed, napa-yes naman ako at umupo na, sumunod sya sakin, sinuot na namin yung life-vest at pinatakbo ko yung jetski

"Lia, ihinto mo ako na, ahhhh nahihilo ko!" hindi ko pinakinggan si Jared, sinulit ko yung 30 minutes na pinatatakbo yung jetski, astig! After 30 minutes ay binalik ko na sa resort and daaamn, gusto ko umulit!

"Jared, pwede umulit? Please?" umiling siya "come on sige na please?" hinila nya na ako "balita ko may zipline ang resort na ito, try natin?" ohmygod, matra-try ko na ba ang mga gusto kong adventures? "really? san? tara!" Jared laughed at hinila na ako

**

Nandito na kami sa may zipline, kinakabitan na kami ng harness, tumingin ako sa baba, pool kaso ang taas! "ma'am, sir, ready?" tanong ni kuya na nagkabit ng harness samin, "teka kuya" huminga ako ng malalim "ETO NA KUYA, PUSH!" tinulak na ko ni kuya at napapikit ako "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ko, tumatawa naman si Jared "dumilat ka nga" sinunod ko siya at nakita ko ang kabuoan ng resort, ang ganda!

Nakarating kami sa kabilang dulo "ma'am may picture po kayo, kunin nyo nalang po sa printing booth, 50 pesos po" sabi nung staff kaya bumaba na kami ni Jared at pumunta sa printing booth para kunin yung picture, tig-isa kami ng copy, si Jared yung nagbayad.

After sa printing booth ay nilibot namin yung resort, nakakita ako ng magandang view, sakto naman na may tao dun "ah miss, pwede mo ba kami pictu--" natigilan ako nung humarap yung babae, si Elle pala. "oh hi Elle" bati ko at ngumiti, nginitian din nya ako ng peke, "oh hi Jared! Nandito ka pala" sabi nya at bumeso, edi sila na ang close.

Nagkwentuhan sila tapos umupo pa sila dun sa bench, what the hell, nandito ako Jared. "Lia, come umupo ka, baka mangawit ka nyan" sabi ni Jared, tas tinap nya yung space sa tabi nya, umirap ako "tara nagugutom na ko" sabi ko at hinila na sya, nadinig ko siya na nagba-bye kay Elle, whatever.

Habang naglalakad kami pabalik sa room namin ay nagsasalita sya "nakikinig kaba?" he asked me "mamaya ka na nga magkwento" naiirita kong sinabi "bat ba parang galit ka sakin? may nagawa ba ko?" he asked me, mas binilisan ko ang paglalakad pero napahinto ako nung tumawa siya "anong tinatawa-tawa mo dyan? nasisiraan ka na ba?"

"nagseselos ka? nagseselos ka kay Elle?" naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko "hindi! tara na nga, nagugutom na talaga ko" hinila ko siya at pumunta sa restaurant ng resort, sakto namang nandun sila mama at kumakain na sila ng lunch.

Habang kumakain bumulong si Jared "I didn't know that Lia Alexandra Santos is possesive eh?" siniko ko nalang siya at kumain.

Oo na nagseselos na ko

Up-side DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon