Say You Like Me

479 11 0
                                    

Say You Like Me

♥ ♥ ♥

“Can anyone tell me what are the six common types of voices?”

Hindi ko alam kung bakit ako andito sa isang music school eh ang gusto ko ay sa Culinary School. Tss. Nakakairita, ang boring naman kasi eh. Puro nalang play, voice lesson, instrument playing, wala man lang thrill! Hindi katulad sa Culinary School ang thrill dun ay yung sakit na mararamdaman mo pag natalsikan ka ng mantika. =__=

“Mr. Mikhail Valderrama, can you answer my question?”

Tiningnan ako ng mga classmates ko at hinihintay ang sagot ko. Tsk. Nalintikan na. Hindi nga ako nakikinig sa klase ni Mrs. Morris eh tapos ako pa ang napiling tanungin? Psh. Nananadya lang?

“Mr. Mikhail, what is your answer?” tanong ulit ni Mrs. Morris.

Napakamot ako sa ulo ko, “Can you repeat the question?” sabi ko. Narinig ko naman na napatawa ng mahina ang mga kaklase ko.

“What are the six common types of voices?” ulit ni Mrs. Morris.

Ngumiti ako, “Sorry ma’am, but I don’t know the answer.” Then I sat down at nagtawanan yung mga classmates ko.

“Okay lang yan Mikhail, gwapo ka pa naman. Hihi.”

 

“Oo nga! Kalurkey ang kagwapuhan mo!”

Ngumiti nalang ako sa kanila. Naku, ang hirap talaga maging gwapo, mapa-babae o bakla may gusto sa akin. Take note, unang taon ko palang dito.

“Okay class quiet! Ngayon, wala ba talagang may alam?! Seryoso ba talaga kayo sa klase ko?” halata mong galit na si Mrs. Morris dahil walang nagsasalita at tahimik lang lahat. “You are in a music school. And don’t reason out that this is just your first year in this school. Dapat alam niyo yan dahil lahat ng students dito ay musically-inclined and well-screened by the board. Now, I’m asking you again, what are the six types of voices?”

Wala pa ding sumasagot kaya yumuko nalang ako. Tsk. Maling-mali na andito ako eh.

“Yes Ms. Trisha Gonzales?”

Napatingin ako dahil may tinawag si Mrs. Morris. Narinig ko naman ang impit na tawanan ng mga classmates ko at ang mga bulungang, “certified nerd”, “baduy”, at “pangit”. Natawa nalang din ako dahil yung mga tropa ko dito ay nagtatawanan na din dahil nga dun sa babae.

My One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon