THE PROMISE

490 10 1
                                    

This story is for you. Isipin mo na lang na ikaw ang bida dito at ako ang story teller. Enjoy reading this one shot! :3

***

THE PROMISE

8pm na ng gabi at mag-isa kang nanonood ng movie sa kwarto mo. Wala ang Mommy mo dahil isa itong doctor sa isang kilalang ospital samantalang ang Daddy mo naman ay nasa heaven na. Naka-day-off naman ang maid niyo kaya magisa ka lang talaga.

Habang masaya kang nanonood ng movie, biglang may nag-doorbell.

“Huh? Sino naman kaya yun? Gabing-gabi na ah.” Bulong mo sa sarili mo.

Dahil gabi na din at takot ka na baka masamang tao ang nasa labas ng bahay mo eh sumilip ka muna sa bintana. At dun ay nakita mo ang iyong close friend na halos isang linggo mo ding hindi nakita.

Pinagbuksan mo siya ng pinto at niyakap mo dala na din ng pagka-miss mo sa kanya. Niyakap ka din niya at sinabi niya sa’yo na…

 

“Pwede bang dito muna ako? Ang boring sa house eh.” Sabi niya sa’yo.

Pumayag ka dahil na din kilala mo siya at namimiss mo siya. Nagpunta kayo sa kwarto at dun kayong nagdaldalan, nagkulitan, nagtawanan, nagkwentuhan at kung anu-ano pang ginagawa ng mga magkakaibigan.

Maya-maya ay narinig mong nag-ring ang cellphone mo. May tumatawag sa’yo. Hinanap mo sa kwarto mo ang cellphone mo pero hindi mo makita.

“Asan na ba yun?” sabi mo na halos maubos na ang pasensya mo dahil sa kakahanap.

“Saan mo ba kasi iniwan?” tanong ng kaibigan mo.

Nagisip ka at inisip mo kung saan ka nagpunta bago ka magpunta ng kwarto mo. At bigla mong naisip na nasa kusina pala ang cellphone mo dahil nagluto at kumain ka doon kanina. Tumingin ka sa kaibigan mo at sinabi mo sa kanya.

“Wait lang ha, kunin ko lang yung phone ko sa baba.” sabi mo sa kanya.

“Sige, basta promise mo na babalikan mo ako dito ha?” nagtaka ka naman bigla sa sinabi ng kaibigan mo.

“Sus. Kahit naman di kita balikan dito eh okay lang sayo. Tambay ka na naman dito eh.” Medyo natatawa mo namang sabi sa kanya.

“Basta. Just promise me na babalik ka dito after you answer the call.” Seryosong sabi ng kaibigan mo na sobrang ipinagtaka mo.

“Err. Okay, I promise. I’ll be right back.” Sabi mo sa kanya.

Ngumiti sa’yo ang kaibigan mo at nginitian mo din siya. Dali-dali ka namang bumaba dahil kanina pa nagri-ring ang phone mo. Binuksan mo ang ilaw sa kusina at nakita mo ang phone mo sa mesa at kinuha mo. Nakita mo naman na tumawatag ang mommy mo.

Sinagot mo ang tawag at halos manlambot ka sa sinabi ng mommy mo. Nanginginig ka na at anytime ay pwede mong mabitawan ang cellphone na hawak mo. Eto lang naman kasi ang sinabi ng mommy mo.

“Anak, yung close friend mo died a few hours ago. Hindi kita macontact kanina pa. Can you just please come here sa hospital. Use your car, okay?”

Pagkatapos mong marinig yun. Paulit-ulit sa isipan mo ang mga salitang…

“Close friend… Died a few hours ago…”

 

“Close friend… Died a few hours ago…”

 

“Close friend… Died a few hours ago…”

 

“Close friend… Died a few hours ago…”

Dahan-dahan kang lumabas ng kusina at pumunta sa harap ng hagdan.

Ngayon, itanong mo sa sarili mo...

Aakyat ka ba at babalikan mo siya tulad ng pinangako mo sa kanya?

O...

Tatakbo ka na lang dahil alam mong patay na pala ang kanina mo pang kasama? 

***

Note: HEP! Wag niyo laitin 'to! HORROR 'to! Di lang halata! Bwahahaha! Natakot ba kayo? Sinend lang sa akin 'to ng niece ko! Eh natakot ako kaya shinare ko! Kaya dali na! Put your answer on the comment box kung ayaw niyong dalawin kayo ni CLOSE FRIEND mamayang 8pm! :DDD 

First time ko po gumawa ng story. Feeling ko fail pa. Hahaha >:D

My One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon