Chapter 6 - Friends? For Real?

358 32 10
                                    

Vhei's POV:


Pagtapos sabihin samin ni Win na umalis na kami, nagpaalam muna ako kay Myka. Sabi ko sa kanya na 'di nako kakain. Nawalan ako ng gana dahil dun sa Win na yun! Tinour ko muna sarili ko sa university para ma-familiarize ko na yung bawat sulok.


Habang naglalakad ako..


"HOY!"


"Ay kabayong nilitson!" sino ba yun?


"Hoy babaita! Ang kapal ng mukha mo!" sabay sampal sa kaliwang pisngi ko.


"ARAY! Anong problema mo!? Tsaka sino ka ba!? Hindi nga kita kilala tapos sasampalin mo 'ko!? Siraulo ka ata e!?" sigaw ko sa kanya.


"Why did you pushed Win my love? Don't you know him? Huh!?" patay tayo dyan. GF nya ata 'to. Pero ang pangit ha? Wala namang taste yung mayabang na yun!


"Hoy mukhang susong nabilaukan!" napatigil ako kasi nag-iisip ako ng pwedeng sabihin. Pero sa kasamaang palad, wala akong maisp kaya ang nasabi ko nalang, "Wala ka na dun!" sabay takbo ako ng mabilis para takasan sya hanggang sa napunta ako sa likod ng campus.


*CRYING*


"Ay? Sino 'to? Kalalaking tao umiiyak." sabi ko sa sarili ko ng mahina.


"Okay ka lang? Eto panyo o?" inaabot ko sa kanya yung panyo ko pero ayaw nyang kunin.


"Anong pangalan mo? Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Nasa likod nya kasi ako kaya hindi ko makita mukha nya. But he looks familiar.


"LEAVE ME ALONE!" hala ka? Sabi ko na e. Kaboses ni..


"Tsunami boy!? I mean, Win?" pagkasabi ko nun. Nahalata kong gulat siya kahit nakatalikod sya.


"Win Alvarez? Okay ka lang? Gusto mo ng kausap?" sabi ko kahit na parang ang awkward.


Tumingin sya sakin. Sabi ko na nga ba nagulat sya e.


"Ah, ah, ah.. Anong ginagawa mo dito?" O see? Nauutal pa e!


"Bakit? Ikaw lang ba pwede pumunta dito?" pabiro kong sabi. "Ano problema mo? Share naman dyan!" AWKWAAAAAAAARD! Nung una, sumimangot muna sya. Nagdadalawang isip ata. Pero after nun, pinagpag nya yung damuhan sa tabi nya. Tsss. Parang matatanggal naman yung dumi e'no?


"Hmmm, mind sitting beside me?" nagulat ako sa sinabi nya. Totoo ba 'to? Pinapaupo nya ako sa tabi nya? O_O


Umupo ako sa tabi nya at pagkaupo ko, nagsimula na syang magkwento.


"When I was 13, nasunog yung factory namin. Naiwan mommy ko sa loob. I really really wanted to go inside to save her. When I'm about to run, pinigilan ako ng daddy ko. Sabi nya sakin wala na kaming magagawa. He told me that my mom's already dead. Sobrang nanghina ako non. Gusto ko manapak. I don't know what to do. After an hour, napatay na ng mga bumbero yung apoy. I went inside in a hurry to search for my mom's dead body. *singhot ng sipon* Pagkapasok ko, do you know who I saw first? Si, si, *singhot* si mommy. It means malapit na syang makalabas. MALAPIT NA! Siguro, kung hindi ako pinigilan ni daddy, baka naligtas ko pa si mommy! I hate my dad! I hate him! Napakaduwag nya! From then on, nagalit nako sa mundo. Wala nakong pakielam sa nararamdaman ng ibang tao. Kaya Vhei, sorry. Sorry for all the things I've told and done to you. I hope you can forgive me. I hope you understand. My sincerest apology."

Ang LOVE ay parang MATH, so CONFUSING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon