No 27.

4.9K 63 8
                                    

CHAPTER 27. 

KATHRYN'S POV

*knock* *knock* 

Kumatok ako sa pintuan ng condo ni DJ. Time Check: 2:39am

Tumakas nga lang ako sa mansion eh. Mamaya na kasing 6 ang flight ko.

Kahit na magkasama kami ni DJ kahapon, gusto ko paring magpaalam sakanya ng maayos.

*knock* *knock* 

Pang-walong beses ko ng katok 'to pero hindi parin bumubukas ang pinto. 

Pinihit ko ang doorknob at.. *toinks* bukas naman pala. (-__-") 

Dahan-dahan akong pumasok sa condo niya. 

Di na ko nagatubili pa at pumunta na ko sa kwarto ng boyfriend ko. 

Nakita ko siya na tulog. Napangiti ako. Ang cute niya kasi. Hahaha!

Naka-comforter siya tapos may yakap siyang unan. 

Umupo ako sa gilid ng kama niya. 

Hinawi ko ang buhok ng tumatabing sa mukha niya. 

"Ang haba na ng buhok mo, bhie. Magpagupit ka na." Sabi ko. Para akong sira ulo na nakikipagusap sa tulog. Ha ha ha!

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil 'yon ng konti. Yung maingat na pisil. Baka kasi magising siya eh. (-_-") 

"Ang lambot talaga ng pisngi mo. Naka-olay ka 'no?" Sabi ko ulit.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Pero tulog pa siya

Mas lalo niya 'yong idiniin sa pisngi niya. Parang sabik na sabik siya sa dampi ng kamay ko.

"Kath. 'Wag ka ng umalis." Daniel.

Ang lambing ng boses niya.. pero tulog siya. 

"Kung pwede lang, DJ. Kung pwede lang na hindi ako umalis eh." Sabi ko. 

"Kathryn.." Sambit niya sa pangalan ko habang tulog.

Maya-maya, biglang tumulo yung luha niya. Umiiyak siya habang tulog? Ganun ba kasakit ang iwan ko siya? 

"'Wag kang umiyak." Sabi ko sabay punas ng luha niya. "Ayoko ng umiiyak ka, alam mo ba 'yun?" Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa pisngi niya. "I love you." Sabay kiss sa noo niya. "Sobra kitang mahal." Dagdag ko pa.

NO TO KATHRYN BERNARDO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon