Chapter 1

10 1 0
                                    

Allaina POV

First day ko sa VIHS at wala pa kong kakilala. Tanging ang pinsan ko lang ang kakilala ko dito. 3rd year HS na ko at 4th year HS naman sya. Hinanap ko na ang room ko. Wala talaga akong alam dito. Kaya kung saan saan na ko napapadpad. Sa laki ba naman ng VIHS eh. Yung pinsan ko naman mamaya pa ang klase kaya walang magga-guide saken.

May nakasalubong naman akong feeling ko ka-year ko lang. Magtatanong na lang ako kesa naman sa nganga ako dito. Pakapalan na ng mukha, bahala na.

"Excuse me Kuya?" Tumingin naman sya saken. At shet! Di ko napansin ang gwapo pala ng napagtanungan ko. Swerte ko! Isang tabi mo muna yang kalandian mo Laina!

"Yes?" Shems! That smile tho.

"Hmm, kasi- ano. Alam mo ba kung saang room to? Kanina pa kase ako naliligaw eh." Pinatingin ko sakanya ang sched ko kung saan ako magka-klase.

"I know. Actually classmate kita. Sabay na tayo papunta dun." Ngumiti nanaman sya. Nakakainis nakakahawa yung ngiti nya. Sana di nya mahalatang namumula ako.

Pumunta kame sa kabilang building which is nadadaanan ko pa kanina. Lintik! Dito lang pala yun. Buti na lang nag advance ako ng oras para mahanap ko tong room ko. Napansin ko naman ang daming nakatingin sakin. Ano ba tong mga tao dito? Ganito ba talaga sila pag bagong transfer ka?

"Bat nya kasama si Gino?"
"Sino ba sya? Kilala nya ba yang kasama nya? Nakakaloka ha."
"Ang lakas ng loob nya ah."

Yan yung mga naririnig ko papunta sa room namen. Sino ba yung Gino? Siguro itong kasama ko. Ito namang kasama ko dire-diretso lang maglakad. Infairness, ang bilis nya maglakad. Nakakapagod. Nahanap na namen ang room namen at umupo sa bandang dulo malapit sa bintana. Kita ko naman tumabi sakin si kuyang palangiti.

"Thank you, kuya." Tumingin sya saken at nagsmile nanaman. Hindi ba nangangawit panga neto kaka-smile?

"Gino Villanueva. Gino na lang, wag ng kuya. Magka-age lang naman tayo eh." Sabay tawa sya. At inabot kamay nya saken. Woah, sya ba yung Gino na pinag-uusapan kanina ng mga studyante sa labas?

"Allaina Amarillo. Laina na lang." Ngiti sabay abot ng kamay nya. 30sec na at di nya pa rin tinatanggal yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Abat! Tsansing to ah.

"You remind me of someone." Hawak nya pa rin ang kamay. Problema ng lalaking to? Weird.

"Ah Gino? Kamay ko. Hehe" Nabigla naman sya.

"A-ay! Sorry." Feeling ko na-awkward sya. Hahaha, ang cute nya!!

Nagsmile lang naman ako sakanya. Teka, namula ba sya? Oh guni guni ko lang yun?

Dumating na ang prof namen at nag-introduce. Ikkwento ko pa ba sa inyo? Wag na, nakakatamad. Hahaha

After how many hours. Nag bell na ang ring. It means, uwian na!!

Yung Gino, nawala na lang bigla. Ang weird talaga ng isang yun.

Dumiretso naman ako sa grocery. Bagong lipat lang ako sa tinutuluyan ko. Simpleng apartment lang yun, tama lang saken. Yung mga magulang ko kase nasa ibang bansa. Nagtatrabaho. Pinapadalhan naman nila ako pero ayokong igastos lahat ng yun. Mabuti ng maging practical kesa mawalan.

Nang matapos na ako mag-grocery. Pumara ako ng jeep. Medyo malapit lang naman tinutuluyan ko magmula dito.

Napa-higa naman ako sa kama ko. Nakakapagod ngayong araw. Daming nangyari.

My First LoveWhere stories live. Discover now