29~* SLEEPING BEAUTY

115 3 0
                                    

MARS’ P.O.V

3 months ago, nagkaroon ng fashion show si El kung saan nasabotahe kami kaya hindi rin naging maganda ang kinalabasan. Pero nabawi naman yun nung birthday niya, September 19, kasi sinurprise siya ni Dylan ng isang harana with special gift pa. Kilig mats ba! :’’’’>

2 months ago, sinagot ni Pem si Phoenix sa gitna ng Flashmob ng Juniors. Fast forward to that, sinagot na din ni Luna si Louis nung birthday niya, October 21. Pero syempre hindi lang sarili niya ang regalo ni Louis. After ng mini party eh biglang naglaho yung dalawang yun at pag-uwi ni Luna, may dala siyang malaking malaking teddy bear at napakadaming ballons. Galing daw kay Louis yung mga yun.  May balak atang paliparin si Luna sa dami nung lobo eh. -__-

A month ago, sabay sabay na ginanap ang birthday ng kambal at ni Moon sa room ni Alexa. Kami kami lang naman yung tao, hindi kasi pwede na sobrang dami since nagpapahinga si Alexa. Masaya naman. May mga games pa sila, sila lang din naman ang nagdudugaan. Mga baliw na talaga.

Ngayon naman eh December na, si Eri at AJ naghanda na lang ngg konting tapos pinakain sa mga kaibigan nila mairaos lang ang mga birthday nila. Eh yung kay Gem kaya??

Pumasok ako sa kwarto. Nakita ko agad si Sleeping Beauty na mahimbing na natutulog habang hawak hawak naman ni Prince Charming ang kamay niya.

Si Alex, halos araw-araw niya kung bisitahin si Alexa. Pagkagaling niya sa school diretso yan dito at kukwentuhan si Alex sa mga nangyari sa araw niya. Kahit kalian, hindi niya nakalimutang puntahan ang kapatid ko.

Hayyy Alexa, gumising ka na kasi. :(

“Good morning.” Bati ko sa kanya. He woked up and just smiled.

“Good morning, bunso. Kamusta ka na?” 3 months ng in coma si Alexa. Nakakalungkot, sobra.

“Malapit na daw siyang gumising.”

“Ha?”

“Sabi niya sa akin, malapit na daw siyang gumising.” He said with a hopeful smile.

“Tama, malapit na nga.” I looked at her. I miss her na.

Christmas break na nila Alex. Kami naman natuloy sa home study. Kahit na araw araw pa rin silang pumupunta sa bahay, hindi pa rin naging madali. Since lagi silang busy at kami naman eh busy din kay Alexa.

Si Alex ang nagbantay kay Alexa buong magdamag. He never loses hope, eh? Kung ganyan siya katatag, dapat ikaw din, bunso. Sabi mo sa kanya malapit ka na gumsing di ba? Bilisan mo, Alexa. Bilisan mo.

ALEX’S P.O.V

Nasa panaginip ko siya kagabi. Ang sabi niya wag daw ako mag-alala kasi malapit na daw siyang gumising. Bilisan mo ah? Please Alexa bilisan mong gumising. Madaming naghihintay sayo. Yung mga kapatid mo, ang Mommy mo, yung mga classmates at kaibigan natin, si Rain, ...

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon