28~* MAHAL KITA

130 5 0
                                    

 ALEX’S P.O.V

Teka, asan na ba si Alexa? Kanina ko pa siya hinahanap eh. I tried to call her loads of times pero ring lang siya nang ring at walang sumasagot. I also tried flooding her messages pero wala ring reply. Nasaan ba kasi yung batang yun?

“Yow.” Tapik sa akin ni Sonic.

“Nakita namin kanina ni Eclipse yang tinatawagan mo.” Yeah, tinatawagan ko na naman siya.

“Bibili lang daw. Medyo matagal na nga yun eh. Sundan mo na.” suggestion ni Eclipse.

“Sige, salamat pre.” Tinapik ko silang dawala at umalis na para hanapin ang nawawalang bata. =___=

Talaga yung babaeng yun. Bakit ko ba kasi nagustuhan yun eh? Responsibilidad ko tuloy. Si Alexa ay isip bata, slow, makulit, maingay, magulo tsaka parang mas green pa sakin minsan yun eh. =___=

Pero kahit na ganun, mabait, masayahin, positive, masunurrin at hindi nang-iiwan. Hay nako. =____=

Sapat na ba yung mga dahilan na yun para magustuhan ko ang brat na yun? May mga katangian siya na madaling makapagpahulog ng loob eh, kaya siguro ganun? Di ko alam. Pero, mahalaga siya … sa akin.

“Pare, nakita mo ba si Alexa?”

“Si bunso?” =___=’’’

“Oo.”

“Ah, nakita ko siya kanina papunta sa gate. May humihila nga sa kanyang malaking lalaki na nakaitim eh.”

“Ha?” o__O

“Oo, parang kinikidnap siya, ganun.” *toinks* “Aray naman!”

Binatukan ko nga. Kikidnap na pala ang kalmado pa ng pagkakakwento niya. Nakakainit ng ulo ah? Teka … shoot!!!

Tumakbo ako agad sa may gate at luminga linga sa paligid. Ayun!

 

“Alexa!”

Tumatakbo  siya papasok sa school galing sa parking sa labas. Mabuti naman at ligtas siya …

*BANG!* O_____O bumagsak si Alexa …

 

“Alexa!” hinabol ng ibang nakakita yung lalaking may hawak na baril na malamang ay siya ring nagpaputok habang ako pinuntahan si Alexa.

Lumuhod ako at iniharapan ko siya sa akin. May dugo siya sa gilid ng ulo niya. Maraming dugo, dahil siguro sa pagbagsak niya ay tumama ang ulo niya ng malakas. Hinanap ko naman yung tinamaan ng bala and there, marami ding dugo sa tagiliran niya. Shoot!

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon