Special Chapter ~ Welcome back Valentines

211 10 5
  • Dedicated kay Michaela Enriquez
                                    

SPECIAL CHAPTER..

SATURN'S P.O.V

 

Valentines? Happy Thursday! Teka, ano ba yung Valentines? Masarap ba yun? Sabi nila sweet daw. Masarap nga siguro yun kasi matamis eh.

Haha! Ang bitter ko ba? Hindi naman.

Valentines na naman. Nakakainis talaga! Ayoko talaga ng Valentines. Hindi naman dahil sa bitter ako ah.

It’s just that someone made me realize that I’m not worth wasting money and effort in Valentines for.

FLASHBACK ***

Grade 4. Happy Valentines! Excited na ako. Ilan kaya matatanggap kong flowers and chocolates ngayon? Haha!

You know what? Every Valentines bumabaha ng flowers and chocolates and balloons sa bahay namin. Magaganda kasi ang mga nakatira eh. Last year ata yung pinakamarami. At syempre, karamihan akin. Kaya nga excited na talaga ako ngayong araw eh.

FF~***

School. Uwian.

“Saturn, ilan natanggap mo?” excited na tanong sa akin ni Trixie.

Hindi ako sumagot. Hindi kasi ako makasagot eh. Hindi ko alam ang sasabihin. Nakayuko lang ako sa desk ko. Ganito lang ako simula noong Lunch. Tahimik at nakayuko. Nalulungkot kasi ako.

"Wala siyang natanggap Trix." Malungkot na sabi ni Bella na siyang sumagot para sa akin.

“Ano?! Imposible yun!! Si Saturn Star walang natanggap na gift ngayong Valentines?!”

OUCH. </3 ahm, pwede wag niyo na ipamuka sa akin?

Tumayo ako at ti-nap yung shoulder ni Trixie at Bella. Nakayuko pa rin ako at kinuha ko na yung mga gamit ko. Nagsimula na akong maglakad ng sumigaw si Trixie sa room.

“Hoy! Wala ba talagang nagbigay ng flower kay Saturn? Kahit isa lang?”

Napailing na lang ako. Nakakalungkot di ba? kasi kahit talaga isa wala. Yung dating may pinaka marami ngayon kahit isa walang natanggap. Pahiya ako dun ha? Parang hindi ako … sanay.

Palabas na ako ng pinto ng bigla akong mapahinto dahil sa mga salitang narinig ko galing sa isang lalaki.

“Eh bakit naman kasi namin pag-aaksayahan ng pera at effort sa regalo yan? Hindi naman siya importante dito ha. Kaya lang naman sikat yang si Saturn kasi Star siya. Dahil sa apelyido niya. Wag nga siyang mag-inarte diyan. Tch.”

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon