Chapter 12

40 5 0
                                    

| Xizyl's POV |

From: Dale

Lagi na kaming nagcha-chat. At dahil malapit lang ang building ng kinalalagyan ng classroom nila sa building namin, madalas kaming magkasabay kapag recess.

Che. Di ko na siya ni-replyan. Bahala na. Siya lang ba ang pwedeng magbalewala ng isang tao.

Argh! Gustong-gusto ko siyang replyan kahit alam kong wala naman talaga siyang pakialam kung magrereply ba ako o hindi.

Biglang tumahimik ang mga kaklase ko. Papunta na ata ang prof namin ngayon.

Thank you, Lord! Mapipigilan ko din ang sarili ko sa pagtetext sa kanya. Bwahahaha.

°~•~°

Hindi sumipot ang teacher namin sa 2nd period kaya wala kaming ginawa kundi maglaro, magbasa sa Wattpad at iba pa.

Nang narinig kong tumunog ang bell, nag uunahan na agad kaming lumabas. Parang mga bata ano?

As usual, sabay kaming nagrecess ni Kendi at Keanna.

Halos mangisay si Kendi habang kinukwento ang convo nila ni Kuya Harold sa text.

"Tapos sabi pa niya na 'Good Night, Kendi. Matulog ka na ha? Sweet dreams'-eeeeeeeh"

Hay naku.

Zero? Lab layp ko yan eeh! Mabuti pa siya.

"Tumahimik ka nga, Kendi! Walang forever, okay?"

"Walang forever sa mga taong bitter, Yanna."

"Oyy. Hindi porket sinasabi kong walang forever eh bitter na ako. I'm just being realistic. What I meant was WALANG FOREVER SA MUNDONG ITO!"

"Meron. May forever sa amin ni Harold-eeeeh OMG."

"Tanga lang ang maniniwala dyan."

Bumelat naman si Kendi kay Keanna.

Ewan ko sa dalawang to. Basta para sa akin, may forever.

Kami ni Dale, forever.

De joke! Tawa kayo. Dali~ Hahahahaha. Tulungan niyo ako. Oraytt~

Umupo kami sa pinakamalapit na upuan.

"Nakastudy na kayo?"

"Nope."

"Hindi pa."

"Basta, may tiwala ako kay stock knowledge. Wahahaha. Oo nga pala, nakita ko si Dale kanina. Ayiiiiiieeeeeeeeee."

Pinindot-pindot naman nila ang magkabilang tagiliran ko.

"Heh! Tumahik kayo. Mabulunan sana kayo."

"Eh ba't ka galit? Nagshe-share lang naman ako ah! Affected ka masyado."

"Share daw eh ba't niyo ko tinutukso?"

"Pikon kasi. HAHAHAHA."

Sabay na sabi ng mga bruha. Grr. Kainis.

"Ewan ko sa inyo."

Inirapan ko na lang sila at patagong ngumuti. Aba, hayaan niyo na 'ko.

Kinikilig 'to.

Habang naglalakad palabas sa canteen, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid at hanapin si Dale.

Lumingon naman sa 'kin si Keanna at mukhang napansin niyang may hinahanap ako.

"Uyy si Xizyl, may hinahanap"

Aasa Sa WalaWhere stories live. Discover now