Chapter 1

104 8 0
                                    

| Xizyl's POV |

Nagtext na naman siya. Sarap mag nae nae sa sobrang tuwa xD Syempre crush ko eh, talagang matutuwa ako.

From: Dale

Yow.

Alam kong parang matipid pero natutuwa ako. But, what if gm lang pala? Diba may ganun?

     'Yung akala mong sa 'yo lang siya nagtext pero marami naman pala ang sinendan niya. Hayy. Ayaw kong umasa. Pero kahit na, sayang ang mga times na nagtetext siya sa akin.

       Close naman kami eh, almost 7 years siguro. Pero hindi ako na 'Crush At First Sight' sa kanya, maybe I fell for him because his attitude, the way he is. Hindi naman siya sobrang gwapo pero hindi mo masasabing panget siya.

Nireplyan ko kaagad siya.

To: Dale

Sup?

Dapat hindi ako magpahalata. Ganito kasi yan eh, kapag sinabi o inamin mo sa crush mo na crush mo siya, dalawa lang ang mangyayari, either magiging mag-m.u. kayo or ite-take advantage niya ang feelings mo sa kanya at 'di ka na papansinin.

   Wait wait, andami ko nang nasasabi pero di pa ako nagpapakilala xD By the way, I was named Xizyl (Seezel) Manalili, the  youngest of the two children of Mr. Carlo Manalili and Mrs. Jiane Manalili. 13 years old and NBSB, you know why?

I'm afraid, takot akong malaman ng parents ko, isa kasi sa mga ayaw ko yung ako ang kino-confront, gusto kong ako ang nagco-confront. I like it when someone admits I'm right and they're wrong.

I also know ayaw ng parents ko na maaga akong magka-boyfriend at nahihiya ako sa nakatatandang kapatid ko dahil hanggang ngayon 16 years old na pero hindi pa din nagkaka-boyfriend.

Alam ko na baka hindi ko lang alam pero nafi-feel ko eh. Kilala ko ang ate ko at alam na alam kong hindi pa siya nagka-boyfriend.

Biglang tumunog ang phone ko. Excited na excited pa naman akong buksan pero hindi pala siya yung nagtext, gm lang pala. Matagal pa bago siya nakareply pero atleast nagreply siya diba?

From: Dale

Wyd?

Normal lang naman siguro sa magka-text ang nagtatanong ng 'What you doing?' diba? Lagi namang ganito.

To: Dale

Nagfe-facebook lang. Ikaw?

From: Dale

Nagfe-facebook lang din. Nakita kita kanina sa canteen. 'Di mo 'ko pinansin.

To: Dale

Huh? Chorii. Di nga kita nakita eeh.

From: Dale

Hahaha. Okay lang basta sa susunod ilibre mo 'ko ah? xD

"Dali na kayo, kakain na." Ayan na, tinawag na ako ni Mama. Tsk, panira. Dejoke~ Time for Dinner, syempre kain muna bago landi. Hahaha xD Jk. Hindi landi ang tawag dito ah! Tss.

To: Dale

Depende. Sige, kakain muna ako. Ikaw din :))

Naghintay muna ako ng reply pero hindi na siya nagreply. Okay lang naman eeh.

Foundation Day na ng school namin next week at may hinandang booth ang isa sa mga club na sinalihan ko. Ito yung Math and Love, this will give you a chance para makasamang magsolve ng Math Problem ang crush mo at kapag hindi niyo ito nasagutan ng tama, kayo ay magsasayaw o magbabayad ng 5 pesos.

Para makapalista, magbabayad ka lang ng 10 pesos at isusulat mo kanilang mga pangalan. Oh diba? xD At kaming members ang huhuli sa kanila. Ako at ang mga classmates ko ang assigned para sa decoration. I'm so excited~

So far, wala na akong idea sa magiging flow.

Even if magkaparehas kami ni Dale ng pinapasukan araw-araw, hindi kami madalas magkita. Alam ko kung anong section niya pero I don't know kung asan naka-locate.

Hello?! I'm just a 1st year highschool student, naninibago pa ako sa paligid ko. Bago palang nag July at sa laki ng paaralan namin, hindi ko agad mamememorize lahat ng buildings.

Maaga akong natulog pero late na ako nagising. Alam kong late na talaga ako pero hindi na bago sa akin ang ma-late.

Simula Grade 6, lagi na akong nale-late. Pero ngayon, iba na. Nabigla ako nang tinulak ako patalikod ng ate kong si Eunice Manalili, ang lagi kong kaaway pero ka-chismis xD

"Ano ba! Dahan-dahan. Bakit ba?!"

Langya. Di ako pinansin.

"Wuy. Bakit nga?!"

"Ililista daw yung pangalan! Late na tayo. Tsk, asan na ba yung papel at ballpen mo?!"

"Basta, andyan lang 'yan. Bilisan mo."

Agad niyang sinulat pangalan niya, duh. Take note, pangalan NIYA. Sa kanya lang. Binigay niya sa 'kin ang papel at ballpen. Nang masulat ko ang pangalan ko, dali dali naming binigay sa guard at pinapasok naman kami sa gate. Pero, ayun sinermonan kami. Okay lang, madami naman kaming late eeh. As in xD

Arggh. Ang bigat ng bag ko.

"Kung patuloy kayong magpapa-late, araw-araw niyong isusulat pangalan niyo at araw-araw tayong  magkikita dit—"

Di na ako nakinig, parang bigla kasing lumakas yung 'dugdug' ng heart ko nung narinig kong binuksan yung gate sa likod ko.

Kaya nilingon ko, may nafi-feel ako eeh~ Paglingon ko, nakita ko si Dale kasama ang pinsan niyang si Alby.

Sa dinami-daming linya, sa likod ko siya naglinya. Emeged. Kenekeleg eke xD Hahaha.

Bigla nalang tumunog yung zipper ng bag ko kaya nilingon ko kaagad. Sinirado niya pala.

Shete tong ate ko, hindi niya pala sinirado. Agad 'kong hinila ang kanyang buhok. Syempre, di ko pinahalata sa iba.

"Ano ba 'yan?!"

"Di mo pala clinose yung bag ko! Ikaw ha. Nakakainis ka."

"Tss. Akin na, isisirado ko."

"Wag na, tapos na."

Aba. Kapal ah. Hindi ako pinansin. Pero 'yung crush ko! OMG. Nasa likod ko. Nako-conscious tuloy ako. Baka may dandruff ako or baka hindi ko nasuklay ng maayos yung buhok ko or baka madumi yung palda ko, etc.

Dumeretso agad ako sa classroom namin pagkatapos. Ang cute niya talaga~ Pero nakakahiya! Si Ate kasi. Tsk.

Aasa Sa WalaWhere stories live. Discover now