Chapter 10

18 6 0
                                    

A/N: Yehey~ Sobrang natuwa talaga ako. Kahit hindi pa umaabot mg 200 Reads, tuwang-tuwa na ako xD This is an achievement! Masaya din ako na nakaabot ng Chapter 10, 'pag nagsusulat kasi ako ng on-going stories, hindi ko natatapos. Hahaha. Pero hopefully, matapos ko 'to!

| Xizyl's POV |

Pagpasok pa lang namin, naramdaman ko agad ang init sa loob ng silid.

Nagsilabasan din ang pawis ko.

Hindi ko inaasahang makakaramdam din ako ng kaba.

Curious ako kung sinong nagkamali ng lista sa 'kin.

Baka naman si Dale?
No. Sino namang maglilista sa amin.

In that thought, bigla akong napa-smile.

Hindi ako nagpahalata na malapit akong mapatid nang pinaupo nila ako.

Umaasa ako na sana si Dale nga ang ipinartner nila sa akin.

Unti-unti nilang tinggal ang tabon sa mga mata ko.

Natuwa ako nang si Dale ang nakita ko pero napawi din ang ngiti ko nang makitang nakaharap siya sa akin at nakatalikod ang partner niya na si Ate Bianca sa 'kin habang nagsasayaw.

Sht. Napatuon ang atensyon ko sa lalakeng pinaupo sa harap ko.

Ang gwapo~ Hahaha. Medyo nawala din ang sakit at napalitan ng kilig.

Dale, lumingon ka. Tignan mo ako, may gwapong ipinartner sa 'kin. Magselos ka!

Para akong baliw.

"H–hi"

Halos hindi ako makapagsalita. Ang gwapo niya talaga. Sinong mag aakalang siya pala ang ipapartner sa 'kin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Xizyl nga pala"

"Kyle"

"U–uhm."

Ang awkward.

"Ang ganda mo talaga."

"H–ha?"

"Pinagtripan kasi ako ng mga kaibigan ko. Nalaman nilang crush kita. Kaya ayun."

Oh my gosh. Hindi ko alam kung anong ire-react ko.

Nanatiling akong naka-nganga.

"Nevermind. Ako nga pala yung laging nagcha-chat sa 'yo noon."

Kyle? Kyle... Ayy oo nga! Sheez. Hindi ako aakalaing mas gwapo pa pala siya sa personal.

Wala kasi akong mahanap na maayos niyang picture sa fb. Mga mata niya lang ang pinapakita niya.

Kyle. Kyle Fernandez.

"Ikaw yun?

"Yep."

"Hehe. Pasensya ka na ah? Minsan sine-seen kita. Di kasi ako masyadong nakikipag-usap sa mga hindi ko pa kilala."

"It's okay. Medyo matagal na din yun."

"Ba't ka tumigil sa pagcha-chat sa 'kin?"

"Napag-isipan ko kasing wala na talaga akong pag-asa sa 'yo."

"H–ha?"

"Hahaha. Kalimutan mo na yun."

Matagal kami sa loob ng booth, natuwa kasi ako sa pakikipag-usap kay Kyle.

Ngunit kahit habang nag-uusap kami, hindi ko naiiwasang tumingin at mainggit kina Dale at Ate Bianca.

"Dapat na po kayong magstart sa pagsasayaw."

Aasa Sa WalaWhere stories live. Discover now