Happily Ever After??? ----- Chapter 5

1.3K 11 4
                                    

 SIS!! this one is for you! wagas na wagas talaga ang suporta mo sa akin pati na rin kay kimmy_myheart..

kaw ang nagiisang number 1 fan namin... =) walang aagaw sa iyo ng spot na iyon!!!

love na love kita sis!!!

Mali ba ako sa pagkakakilala ko sa kanya. Masyado siyang judgmental. Ano akala niya sa akin. Nakakainis talaga.

Padabog akong umupo sa desk ko.

“Kliche, oh anong nangyari?? Bakit mukhang asar na asar ka??”

“Wala, may tao kasi akong nakakilala. Isa pala siyang nakakaasar na nilalang na nabubuhay sa mundong ito.”

“Stop it, nagiging makata ka na naman eh. Ayan ang napapalala mo sa kababasa mo ng mga libro eh.”

“Eh, ano naman kung nagbabasa ako ng libro?? Ang masama is yun gumagamit ng pinagbabawal na gamot at pumapatay ng tao!”

High blood talaga ako ngayon!!!

“Oh, bakit kayo nag-aaway??? Ang init ng ulo ni Kliche.”

Napatingin kami sa nagsalita. Si Jonn lang pala.

“Nako Jonn, may nakilala daw kasi siyang nakakaasar na tao!”

“Kala ko kayo ang nag-aaway eh. Ang simple lang naman di wag mo na lang pansinin.”

“Paanong di ko papansinin, eh ako yun sinabihan niya ng di magandang salita.”

Biglang lumapit sa akin si Jonn, at ginulo yun buhok ko at inakbayan ako.

“Halika gusto mo dyombagin natin.”

“Hep hep, Jonn anong dyombangin ka dyan??? At tsaka wag ka nga lumandi may gf ka no! at kung lalandi ka man wag sa harapan ko at lalong lalo na sa bestfreind ko!”

“Shanee, di naman ako lumalandi eh. Friends na din kaya kami ni Kliche. Tska loyal kaya ako sa GF ko kahit malayo kami sa isa’t isa.”

“Nako,nako kundi lang kita pinsan. Ang sarap mong patayin. Lagi mo na lang pinagiinit ang ulo ko.”

Kinurot- kurot ni Shanee si Jonn. Isipin niyo kung di lang sila mag-pinsan para silang lovers. Sa gwapo at lalaking-laki na hitsura ni Jonn nagpapa-under sa pinsan niya. Ang cute nilang tignan.

“Hahahahaha”

Tumigil yun dalawa.

“Bakit ka tumatawa??”

“Hahahah ang cute niyo kasing dalawa. Para kayong mga bata.”

Happily Ever After??? ----- Chapter 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon