Happily Ever After??? ------ Chapter 3

1.5K 15 5
                                    

“Oh, anak bakit basang basa ka ng pawis??? May nangyari ba sa’yo?”

“Nako, Ma. Wala pong nangyari sa akin. Nag-exercise lang po ako.” Sabay tawa kay mama.

“Ano ka ba naman anak. Sige magpalit ka na ng damit mo baka matuyuan ka pa at magkasakit.”

“Opo ma.”

Umakyat na ako at nagpalit ng damit. Humiga ako sa kama. Pagod na pagod ako. Gusto kong matulog. Makaidlip nga muna mamaya na lang ako magbabasa ng mga novels na di ko pa nababasa tutal first day pa lang ng class. Wala pang mga lessons. Pumikit na ako.

“AAAAAAAHHHHH!”

Napabalikwas ako ng bangon.This can't  be happening.

Kumatok si mama at sumilip.

“Anak, anong nangyari??”

“Ahmmm, mama wala po may nakita lang akong ipis.”

“Ganon ba, kung makasigaw ka naman kasi eh. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo”

“Sorry po.”

Ano ba naman yan. Bakit ganito nakita ko siya pagkapikit ng mga mata ko. Ano bang nangyayari sa akin.

Ngayon ko lang ulit naalala kung bakit ako napagod ng ganito dahil tumakbo ako dahil sa kanya.

Nako Kliche tumatanda ka na! Nagiging makalimutin ka na..

Anyways, ibang issue na yan

 Ito talaga ang matalinghaga (A/N: nose bleed)  bakit hindi ko maipaliwanag kung bakit noong nakita ko siya eh bumilis na lang ang tibok ng puso ko at di na ako mapalagay. Lalo ng tumingin siya sa kinatatayuan ko.

Nawala ako sa sarili ko ng nagkatagpo at tingnan ko na ang mga mata niya. Bigla na lang di ako makakilos. Buti na lang may bumunggo sa akin babae at bumalik ako sa katinuan.

Kaya mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.

Ano ba itong nararamdaman ko?? LOVE na ba ito??

Bago kasi itong nararamdaman ko, hindi kaya?? Siya na! Oh no, dumating na siya!

Matagal ko na siyang hinihintay at sa wakas makilala ko na siya.

Hep! Hep! Ang pagiging imaginative mo lumalabas. Kahit minsan lang mag-isip ka naman ng matino.

Una sa lahat, ,makilala ko na siya??? Paano??? At ang tanong magkikita ba naman ulit kami. Sigurado na ba ako na siya ang prince charming na matagal ko ng hinihintay. Lord, please give me a sign. Siyempre SECRET na iyon sign baka maudlot eh. XD

Happily Ever After??? ----- Chapter 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon