Happily Ever After??? ----- Chapter 4

1.5K 14 7
                                    

 she is my new found friend...


i really want to know more about her...


we share a lot in commons.. so i wanna dedicate this chapter to her..


please also support her stories... she's an amazing writer <3 <3

Alarm clock

Ano ba yan ang bilis naman parang kakapikit ko pa lang umaga na agad at papasok na ulit.

Siyempre as usual na mga serimonyas pagpasok sa school.

Palabas na ako ng kwarto ng may nakalimutan ako. Pumunta ako ng tokador ko para kuhanin yun bracelet ko na bigay nina papa at mama noong last birthday ko.

*Gasp* Wala siya dito. Nasaan kaya iyon? Baka naman na misplace ko lang siguro. Hanapin ko na lang pagkauwi ko.

Pagpasok ko sa school wala pa talagang masyadong tao. As usual pupunta ako sa pinakafavorite place ko para magbasa ng libro.

At iyon ay sa garden ng school. Sa mga ilalim ng puno. Presko kaya sa pakiramdam at nakakarelax yun ambiance ng lugar.

Papunta na ako sa favorite kong puno na nasa gitna noon garden ng may mapansin akong may tao.

Nilapitan ko siya at…O       O (ganito ang naging reaction ko)

Siya yun lalaking nakita ko kahapon.

Bakit ganoon mas lalo siyang naging gwapo sa malapitan. Kung meron talagang perfect sa buong mundo, siya na iyon!

“Baka matunaw ako kakatitig mo.”

Nagulat ako at napalayo bigla. Nagasalita siya at akala ko tulog. Nakapikit kasi.

“Di k-kita tinititigan, gigisingin sana kasi nasa favorite spot kasi kita.”

Dumilat siya at tinignan ako. Ngumiti siya.

Dug-dug! Ayan na naman. Please tumigil ka dyan baka marinig ka niya. Kung pwede mamaya na lang.

Namula at yumuko ako.

“Hahahaha, ang cute mo naman. Sorry ah sa’yo pala itong spot na ito. Di ko kasi alam eh bago lang ako dito. Transferee. Sorry ah.”

Mas lalo akong namula sa mga pinagsasabi niya. Di ako nagkamali sa pagkakakilatis ko sa kanya noong una ko pa lang siya nakita. GWAPO na MABAIT pa. Ano pa nga ba ang hahanapin mo. Prince Charming talaga.

“N-nako hindi mo kailangan magsorry. K-kung gusto mo pwede naman tayong maghati. Doon ka sa isang side ng puno at ako naman sa isang side. Kung okay lang  sa’yo”

Hindi diya sumagot. Tinignan lang niya ako.

Happily Ever After??? ----- Chapter 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon