Kabanata 3

31 2 0
                                    

Restaurant

Nakarating na kami sa Italian Restaurant dito malapit sa Simbahan sa Makati , madalas kaming pumunta dito ni Arra. Sakto namang dito rin nag aya si Papa, kaya naalala ko na naman siya.

"Oh, mga anak pumili na kayo ng gusto niyo." Agad na tinuran ni Papa matapos iabot sa kanya ang Menu at ibinigay sa amin.

Umorder lang ako ng isang Focaccia Bread at Caprese salad with Pesto sauce sinamahan ko na rin ng isang Bubble tea. Habang naghihintay kami ng order nagkwentuhan muna kami ng kung anu-ano. Pansamantala ko munang isinantabi ang pag-iisip kay Arra.

"Anak, kamusta ang pag-aaral mo? Tanong sa akin ni Papa.

"Okay, lang naman Pa, medyo nahihirapan lang ako sa ibang subject pero tinutulungan naman ako ni Arra." Simple kong sagot kay Papa. Pasimple akong napangiti ng naalala ko na minsang tinuruan pa ako ni Jin sa subject naming math kahit na magkaklase lang kami. Math kasi ang subject na pinaka ayaw ko.

"Hmmm, mabuti kung ganon. Basta ang mahalaga pagbubutihin niyo ang pag-aaral ninyo para naman hindi masayang ang mga pinagpaguran namin ng mama niyo para lang mapag-aral kayo." Saad ni Papa.

Tumango lang ako bilang tugon. Habang si Mama naman ay busyng-busy sa pag-aalaga kay Chealsie at Marky. Si Chealsie ang palaging inaalagaan ni Arra, dalawang taon pa lang ito samantalang si Marky ay walong taong gulang na. Habang hindi pa dumadating ang order namin nagpaalam muna ako kay mama't papa na pupunta muna sa Comfort room para sana tingnan ang cellphone ko kung may text na si Arra.

"Ma, Pa.., Cr lang po ako saglit." Paalam ko sa kanila tumango lang sila bilang
tugon ng pag payag pagkatapos ay agad na akong tumayo para pumunta sa comfort room ng restawrant.

Habang naglalakad dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko at agad na binuksan ito pero mas lalo akong nalungkot dahil kahit ni isang text wala akong natanggap mula sa kanya. Babalik na sana ako sa Lamesa kung saan kami nakapwesto ng bigla akong mapatingin sa full glass window ng restaurant at lalo akong nagulantang ng makita ko si Arra na may kasamang lalaki at mukang masaya silang dalawa. Sa tingin ko ay kasing edad lang namin ito mga nasa labing anim lang din ang edad nito kagaya namin. Hindi ko nagustuhan ang mga nakita ko naiinis ako dahil mukha akong tanga na nag-aalala sa isang tao na masaya naman pala kasama ang ibang lalaki at kahit isang text man lang ay hindi siya nag abalang padalhan ako.

Pagkatapos ng mga nakita ko umalis ako at pumunta sa Rest room para mag hilamos upang mahimasmasan kahit papaano. Agad naman akong bumalik sa inuukupa naming pwesto pagkarating ko nanduon na ang mga in-order naming pagkain. Nakangiti akong umupo sa pwesto ko upang di nila mapansin ang pagka dismaya ng mukha ko pero mukhang nagkamali ako dahil napansin parin nila dahil nakita ko si Arra at ang lalaking kasama niya na nakaupo medyo malayo sa pwesto namin pero nakatalikod siya sa akin kaya di niya kami napapansin, dahil doon lalong nalukot ang mukha ko.

"Nak, ayos ka lang ba? Bakit parang lukot na lukot yang mukha mo may nangyari bang di maganda?" Tanong ni Mama na animo'y mababakas ang pag-aalala sa mukha ganun din ang kay papa.

"Ahh-hh wala po, ayos lang po ako, medyo masakit lang po ang tiyan ko."
Pagsisinungaling ko nalang sa kanila. Nawalan na rin ako ng gana kumain kaya di ko na masyadong nagalaw yung pina-order ko. Tinanong pa ako nila mama kung gusto ko daw bang magpadala sa hospital pero tumanggi naman ako sa alok nila at sinabing ayos lang ako.

Maya-maya ay umuwi na rin kami habang ako ay hindi maipinta ang mukha. Inis na inis ako sa lalaking yon. Pati sa sarili ko. Tsk!

Hidden LoveWhere stories live. Discover now