Kabanata 2

39 3 0
                                    

Simbahan

Malapit na magsimula ang misa ngunit wala pa rin akong Arra na nakikita. Nagtataka lang naman ako kung bakit wala pa sila. Di rin siya naghatid ng mensahe sa aking telepono. Wala rin naman siyang nabanggit sa akin na hindi sila makakapag simba. Nalulungkot tuloy ako, iniisip ko kasi na baka di na sila makapunta. Gayong ito ang araw na pinaka paborito ko dahil nagkakasama ang pamilya naming dal'wa.

"Magsitayo na po ang lahat at awitin natin ang pambungad na awit." Dahil sa paglipad ng aking isip hindi ko namalayan na nagsimula na pala ang misa. Nagulat na lamang ako ang kalabitin ako ni Mama at nakita ko silang nakatayo na habang sumasabay sa awit ng simbahan.

"Nak, tumayo ka na, nandiyan na si Padre." Saad ni Mama

"Pasensiya ka na Ma." Iyan nalang ang naging tugon ko sa sinabi ni Mama.

Habang nakikisabay ako sa malamyos na boses ng mga mang-aawit, hindi ko mapigilang hindi siya isipin dahil alam ko at nararamdaman kong may hindi magandang nangyari kaya 'di sila nakarating dito

"Magsi-upo po tayong lahat." Hindi ko napansin na nakaupo na pala silang lahat samantalang ako ay nakatayo pa rin. Tila ako lutang sa kakaisip kung ano nga ba ang nangyari kay Arra. Bigla kong naramdaman ang marahan na paghila ni Mama sa polong suot ko.

"Anak, may problema ba? Bakit wala ka sa iyong sarili?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Mama dahil magkatabi lang naman kami.

"Ha..? Ah Ma, wala po ito..Wag niyo po akong alalahanin.." Hindi ko mapigilang hindi mautal dahil alam kong alam ni Mama kung sino ang iniisip ko. Dahil sa kanilang lahat si Mama lang ang nakakaalam ng sikreto ko.
"Mukhangalam ko na kung sino ang gumugulo sa iyong isipan." Bulong sa akin ni Mama

"Nagtataka lang po kasi ako kung bakit hindi sila nakapag simba ngayon." Balik-bulong ko kay Mama.

"Huwag mo ng isipin 'yon, baka may importante lang siyang ginawa." Pagpapalubag loob sa akin ni Mama. Naisip ko na baka nga may nangyari lang kaya di sila nakapunta. Pero ayokong mag-isip ng hindi maganda kaya nakinig nalang ako sa misa ni Padre Larry.

Tapos na ang sermon, tapos na rin ang kumunyon at lahat ng bagay na ginagawa sa misa. Pero habang tumatagal parang lalo akong kinakabahan? Hindi ko alam pero isang beses ko lang itong naramdaman noong isinugod si Arra sa Hospital.

*Flash back*

"Ma, bakit ganito pakiramdam ko? Parang kinakabahan ako na ewan." Iyan agad ang ibinungad kong tanong pagka uwi ko galing sa paaralan.

"Nak, baka pagod ka lang. Sige na magpahinga ka nalang sa kwarto mo, tatawagin nalang kita pag nakahanda na ang miryenda." Sige po. Pagkatapos nun, umakyat na ako at dumiretso sa aking kwarto.

Matapos kong magpalit ng damit ay nagpahinga na ako, matutulog na sana ako ng marinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ni Mama, napabalikwas ako sa pagbangon at agad na tinungo ang pintuan.

"Ma! Bakit po? May problema po ba?" Mabilis kong tanong kay mama.

"Oo anak! Tumawag sa akin ang Tito Louise mo, isinugod daw sa hospital si Arra." Hindi na ako nagsalita, agad akong tumakbo sa baba at pumara ng Taxi. Sinabi ko agad na dalhin ako sa St. Luke hospital dahil alam kong dito sya dadalhin nila Tito dahil ito ang pinaka malapit na hospital sa lugar namin.
*End of flashback*

"Halina na kayo, kumain muna tayo sa Restawrant bago umuwi." Nagbalik ako sa sarili nang marinig ko ang pag aaya ni Papa.

Sumunod nalang ako sa kanilang paglalakad pero ang totoo gusto ko nang magpaalam na mauuna na kong umuwi para dumaan sa bahay nila Arra.
Hindi galaga maganda ang kutob ko ngayon.

Hidden LoveWhere stories live. Discover now