Ikalawa

18 0 0
                                    

Binigyan kita ng oras-ng panahon

Para makapagdesisyon

Kung ako o sya pa rin.

Dumating ang oras at nakapili ka.

At tama ako,

Alam kong sya pa rin.

Sinabi kong hindi ako susuko,

Pero ngayon kailangan ko nang huminto.

Nasaksihan ko ang katotohanan-

Sa pagharap mo sa kanya,

sya namang pagtalikod mo sa akin.

Nakita ko rin ang mga ngiti sa mga mata mo na matagal ring nawala.

Oo, napapangiti kita ngunit hindi tulad ng ngiting meron ka nung kausap mo sya.

Kaya ako naman ang nagdesisyon,

Pinapalaya na kita-

Maaari ka nang bumalik sa kanya.

Pinapalaya ko na rin ang sarili ko-

Sa pag-ibig na alam kong ako lang ang nakaramdam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Of the beautiful thoughts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon