Malabong maging malinaw

14 0 0
                                    

Sa dami ng bilang ng tao, hinanap kita.

Hinanap kita kahit na hirap ako sa pagtingin dahil sa nanlalabo kong paningin.

Natanaw kita sa di kalayuan

Nakaupo at nakatingin sa kawalan-

na para bang may kung anong bumabagabag sa'yong isipan.

Sinubukan kitang lapitan pero natigilan ako.

Sa paglapit nya sa'yo sya namang pag-atras ko.

At napaisip ako.

Oo nga pala, sino ba naman ako?

Alam ko naman ang totoo,

Sya ang kailangan mo.

Pero gusto ko pa rin magbakasakali

Na isang araw, mapapansin mo rin ako.

Of the beautiful thoughts...Where stories live. Discover now